Chapter 20

208K 1.3K 24
                                    

"Friends? Bakit ang daming tao sa hallway?" Nagtatakang tanong ko kila Jana. Magkakasama kami ngayon barkada na naglalakad. Actually pupunta kami sa ngayon sa klase namin. Ako at si Ara ay magkaklase sa isang subject for today. At si Jen at Jana naman ay magkahiwalay.

"Ayan! Ayan kasi! Masyado kang busy sa Oh-so-hot-BOYFRIEND mo kaya hindi mo na alam ang nangyayari. Presidente ka pa naman." Sabay sabay pang tumawa ang tatlong bruha na kasama ko ngayonl

"Don't tell me pinagnanasahan mo si Andrei?" Nakataas ang kilay kong tanong kay Jen.

"Haha. Sinabihan lang na hot ang boyfriend mo best, pinagnanasahan ko na agad? Eh halos lahat naman ata ng babae dito ide-describe si Andrei na HOOOOOT!" May nalalaman pa siyang pagpaypay sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay, just to emphasize the HOTNESS of Andrei.

"Enough! At baka kung saan pa mapunta yang usapang niyong dalawa." Suway samin ni Ara. "Just so you know, ngayon nag-release ang school kung sino ang topnotcher ng buong school for the midterm, at yung mga kasama sa dean's lister."

Matapos sabihin sakin yun ni Ara, nagsimula na akong kabahan. Unti unting nagfo-form ng malalamig na pawis ang aking katawan. Dito kasi sa DMU, bukod ang post ng mga top sa bawat course and then sa buong university ay iba rin.

Sobra akong kinakabahan. Nagsimula akong mag-assess para sa aking sarili. Did I made it to the top again? Was my efforts enough to reach my spot? I don't know. Ang naaalala ko ay madalas kaming magkasama ni Andrei. Halos araw-araw. Nag-aaral namin kami together, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

It feels like, I never made it.

Was my instincts right?

Bumagal ang mga hakbang namin patungo sa bulletin board kung saan nakapaskil ang top 10 topnotcher ng buong school.

"Yes! Yes! Still on the same spot." Sigaw ng isang estudyante.

"Galing mo bro. Still number 4, ha? Congrats."

"Parang ikaw hindi ah! Before pang-8 ka, ngayon nasa top 3 ka na. Ang laki ng itinaas mo."

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba, habang pinaparinggan ang usapan ng dalawang lalaking ito. From 8 to top 3? Wow! Really, bumagsak ata ako.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon