Chapter 62

87.4K 1.2K 80
                                    

Jen’s POV

Nabulabog ang payapa kong kaluluwa nang tumunog ang aking cellphone. Hinanap ko ito sa ilalim ng aking unan pero wala ito doon. Tiningnan ko ang table sa tabi ng aking kama. Nagtaka ako nang makita kong isang unknown number ang tumatawag sa akin. Pinatay ko ito. Wala akong balak na sumagot nang tawag na galing sa hindi ko kilala.

Pero mapilit ito. Muling nag-ring ang aking cellphone. Isa pa, pagpapatayan ko ulit siya. Kung sakaling tumawag ulit, saka ko ito sasagutin. Huminga ako nang malalim bago tumayo. Pupunta sana ako ng CR pero nagulat ako nang mabasag ko ang isang picture frame sa side table ko.

Kinabahan ako ngunit hindi  ko alam kung bakit. Pinulot ko ang mga pira-pirasong bubog na nagkalat sa sahig. Ingat na ingat ako dahil baka masugatan ako. Nabigla ako nang tumunog ulit ang aking phone.

“Aww! Shit!” Napamura ako sa sakit na aking naramdaman nang mahalasan ang aking daliri ng mga bubog. Kinuha ko ang aking cellphone at sinagot ang tawag.

“Sino ba ito? Alam mo bang muntikan na akong mabubog dahil sa gulat! This must be important! Sino ka ba?” Dire-diretso kong sabi sa kabilang linya.

“Jen, this is Kuya Marco.” Malalim nyang pagkakasabi. How did he get my number? Si Jess ba ang nagbigay dito? Hindi. Malamang hindi.

“You should go here in Davao.”

“Kuya Marco, I don’t have time. Ang dami kong pinoproblema kila Andrei –“

“It’s about Andrei.” Natigalan ako. Tiningnan ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Damn! Nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Nangangatal ang aking mga kamay.

“W-what happened to A-andrei?”

“Can you come here in Davao? I mean, ngayon na. He needs you and his family.”

Nabitawan ko ang cellphone. Parang hindi mag-sink in sa akin ang lahat. Kailangan kami ni Andrei sa Davao. Pero bakit? Anong nangyari sa kanya? Pumatak ang aking mga luha. Bakit ba ako naiyak? Huminga ako nang malalim at tinawagan ko ang Mommy ni Andrei.

“Yes, ija?”

“T-tita…” Rinig na rinig ko ang panginginig ng aking boses.

“What happened? Bakit parang naiyak ka?”

“Can you come with me in Davao, today?”

“Is this about Andrei?” Hindi agad ako nakasagot sa kanya. Panay ang patak ng aking mga luha. Alam kong nararamdaman ni Tita na naiyak ako at may problema.

“Tell me Jen! Anong nangyari kay Andrei?” Tumaas na ang boses ni Tita Laila.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon