“Come on, Jess. It’s already 9am. Bumoto na tayo nang makaalis na tayo dito sa canteen. Nasusura ako sa pagmumukha ni Andrei!” Nag ayos ng gamit si Jana. Samantalang ang dalawa naman ay nagtapon ng basura nila.
Tumayo ako para umalis. Pagkalapit samin nila Jen at Ara, ay inabutan ako ng press powder ni Jen.
“Iyak ka na ng iyak pero bakit ang ganda mo pa rin? Oh, mag ayos ka ng mas lalo kang gumanda.” Nakangiting si Jen sakin. Gusto niya maging magaan ang atmosphere kaya kalmadong kalmado siya. Nag apply ako ng konting press powder bago umalis. Inabot ko rin naman ito kay Jen. Mabuti na lang hindi naming madadaanan ang table nila Andrei. At kahit sa huling saglit naming sa canteen ay hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Nagdiretso kaming apat sa computer laboratory sa engineering building. Bawat department building ay may kanya kanyang computer lab. Since engineering ay may pinakamaraming populasyon, sobrang haba ng pila pagbotohan. Katulad na lang ngayon, kahit 9am pa lang halos umabot na ang pila sa may hagdan. Nasa 2nd floor kasi ang computer lab dito.
“Jessica, mauna ka ng bumoto.” Sabi sakin ng isang professor.
“Pipila na lang ako Sir, estudyante rin naman ako dapat walang special treatment.” Tumango na lang yung professor sakin. Kanya kanyang ingay ang mga estudyante para makapaglibang. Ang tagal bago gumalaw ang linya.
May mga bumabati sakin at ngumingiti. Usap usapan na din ang pagka sure win ko. Pero sa totoo lang, parang ayaw ko ng manalo. Hindi ko na hinahangad pang manalo simula ng mapag alaman ko na buntis ako. Para sakin kasi nanalo na ako nung dumating siya sa buhay ko.
Nagkukwentuhan kami habang nag aantay sa pila. Iwas na iwas kami na mapag usapan ang nangyari kanina. Pero itong si Ara, hindi mapigilan.
“Siguro kelangan nating maghanda ng baby shower at—“
“Shut it! Kapag may nakarinig sayo dito, kakalat –“
“Bakit Jen? Wala naman akong binanggit kung sino! I mean no specific person! Hmn, pwede namang yung aso ko na buntis diba?” Inirapan ni Jen si Ara. Samantalang si Ara ay puro day dreaming.
“Anong ipapangalan ko kapag boy siya? Pag girl kaya? Excited na ako manganak ang aso ko!” Pumapalakpak pa si Ara. Walang hiya! Ginawa pa akong aso. Alam na alam ko naman na ako ang tinutukoy niya. Nag apir naman sila ni Jana.
“True! Kapag boy gwapo yan. Kasi diba may lahi naman yung aso na nakabuntis?” Lalong tumawa ang dalawa samantalang si Jen ay pigil na pigil sa pagtawa. Kitang kita ko na gusto niyang humagalpak sa pagtawa pero hindi niya magawa.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Shit! Ginawa na akong aso ng mga kaibigan kong ito. Natatawa na rin ako sa mga pinagsasabi nila. Tumahimik si Jana at Ara sa pagtawa nang makita kung sino ang paparating na grupo.
Shit! Iniiwasan ko na nga pero bakit andito siya? Oo nga pala, engineering din siya.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...