Chapter 43

160K 1.4K 90
                                    

Kinabukasan ay mas pinili kong hindi pumasok. Mainit pa para sakin ang lahat ng nangyari. Natatakot din akong baka andun na si Andrei at magkita na naman kami. Alam kong napakonting percent lang na hindi kami magkita.

“Jess, the registrar said na after 5days marerelease yung TOR mo. Then yung clearance mo tinapos ko na ngayon. Napirmahan na lahat.” Bungad sakin ni Nay Nini. Kakapasok lang niya sa bahay at dala dala niya ang envelope na binigay ko sa kanya. Buti na lang at pinayagan na si Nay Nini ang mag ayos ng lahat ng kelangan ko.

“Thank you po, Nay Nini.” Naglakad papalapit sa kinauupuan ko si Nay Nini.

“Anak, hindi naman sa nangingielam ako pero sigurado ka na ba talaga dyan sa desisyon mo? Tandaan mo, hindi lang ikaw ang mawawalay sa kanya pati na rin ang anak niya.” Pinikit ko ang mga mata ko at pinag isipan ang sinabi ni Nanay.

“Nay, natatakot po kasi ako. Baka, b-baka mawala ng tuluyan sakin ang anak ko once na malaman niyang buhay ito.” Tumango tango lang si Nay Nini. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang fishnet na may lamang mga gulay. Siguro dumaan muna siya sa palengke bago umuwi.

“Oo nga pala, anak. Bumuli ako ng maraming gulay para maging healthy ka at ang baby mo.” Ngumiti lang ako kay Nay Nini. Siya ang dahilan kung bakit tila hindi ako nangungulila sa aking ina. Simula pagkabata ko kasi siya na ang nakagisnan kong nanay. Hindi naman kami madalas magkita ng tunay kong Lola dahil sa ibang bansa sila nakatira.

Nakita kong nakabihis na si Daddy at handang handa ng pumasok sa opisina niya. Nilapitan niya ako at nagpaalam na agad siya dahil late na. Pero bago siya tuluyan umalis at lumabas ng bahay ay may pinaalala siya.

“Check your email para malaman mo yung details ng alis mo. Kumain ka ng marami and always take care of yourself!”

Panay ang text sakin ng mga kaibigan ko kung bakit hindi ako pumasok ngayon. Sabi nila madami na daw akong nami-miss na lessons, quizzes at activities. Hindi nila alam ang plano ko ngayon. Ayaw kong pati sila ay masaktan sa gagawin kong desisyon. May balak naman akong ipaalam sa kanila, kaya lang hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin.

Sumunod na araw, doon ako nag-decide na pumasok ng school. Maraming nakatingin sakin habang naglalakad sa hallway. Hindi ko alam ang iniisip nila, pero wala na akong pakielam. Basta alam ko sa sarili ko nagpakatotoo lang ako. I just to make it clear and be honest. Yes, I was wrong pero nangyari na.

“Jessica.” Isang malamig na boses ang tumawag sakin. Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

“Luke.”

“I’m sorry. I just want to teach him a lesson at naiinis ako sa kanya.” Nagsimula siyang magpaliwanag. Alam kong nagsisisi siya sa ginawa niya dahil kitang ko ito sa mga mata niya. Hindi siya ganun makatingin sakin ng diretso at tila hiyang hiya siya. Tumango lang ako sa kanya at hinintay ang susunod niyang paliwanag.

“I just can’t accept the fact na nagresign ka sa position mo ng dahil lang sa kanya.”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon