Chapter 40

161K 1.4K 119
                                    

Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko sa sobrang kaba. Pumasok ako sa Office of the President at nadatnan ko agad si Sir Leo na nakaupo at tila kanina pang inaantay ang aking pagdating.

“Sit down, Ms. Santos.” Umupo ako sa harapang upuan ng desk ni Sir. Para akong lumulutang sa takot at kaba. But I have to be confident. Kelangan kong masagot ang lahat ng tanong nya at agam agam.

“What happened to you? I know it’s not the right question to say to you, but I have to be straight-forward.” Ipinatong niya ang kanyang baba sa palad niya sa ibabaw ng desk. Seryosong seryoso si Sir at ni isang ngiti ay wala siyang ginagawad sakin. Parang handang handa siyang makinig kahit na gaano kahaba ang kwento ko.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo dahil tiyo siya ni Andrei. Natatakot akong lumaki pa ang issueng ito sa pamilya nila. But in the first place, alam kong maagkakatiwalaan ang tito ni Andrei.

“Paanong nabuntis ka at ngayon ay wala na ang batang dinadala mo? Anong nangyari?” Desperadong desperado ang kanyang tinig.

Hindi pa nagsisimula ang aking sasabihin ay tumulo na ang luha ko. Tuwing naaalala ko ang pangyayari noong araw na yun ay umuusbong ang galit sa aking puso.

“Ayaw niya Sir. Ayaw niya sa anak ko. Isang araw…” Inabutan ako ni Sir ng box ng tissue. Shit! Ayaw ko na! Hindi ko kayang aminin sa lahat ng tao na ang mismong ama nito ang pumatay sa kanya. Ayaw kong malaman nila ang sakit na dinadamdam ko at ang aking mga pighati. Kung nasasaktan si Andrei, mas nasasaktan ako.

“…dinala niya ako somewhere. I don’t know the exact place. Nalaman ko na lang na abortion..”

Bakit ba ganito? Abortion! Abortion! Bakit ka pa ba nauso? Bakit ka pa nadiskobre? Sobrang sakit na ng puso ko. Pagod na pagod na ang mata ko kakaiyak ngunit hindi ko mapigilang umiyak kapag naaalala ko ang nangyari sakin at sa anak ko.

“Tangna, Sir! Bakit? Bakit ayaw niya? Bakit kelangan pang humantong sa abortion? Ngayon wala na!” Nagbreak down na ako. Alam kong mali ang magmura pero in that way nailabas ko kahit papaano ang galit ko. Dinaluhan ako ni Sir, at hinagod ang aking likod upang makahinga ng maayos.

“Sssshh, stop crying. You are so brave.”

Tumingin ako ng diretso kay Sir habang nakatayo siya sa gilid ko.

“Sir, bakit ganun siya? Gusto kong malaman ang dahilan niya pero kapag nakikita ko si Andrei, namumuo lahat ng galit ko. Minahal ko siya, higit pa sa inaakala ng iba. Binigay ko ang iniingatan ko at pinagkatiwalaan ko siya. Sir, sabihin niyo naman, hindi pa ba sapat ang lahat lahat ng pagmamahalan ko?”

Bakit kasi kaakibat ng pagmamahal ang sakit? Hindi ba pwedeng pagmamahal na lang ang lahat? Ang unfair naman!

“I’m sorry for his… Damn! Hindi ko akalain na darating kayo sa puntong ganito. But Jessica, humahanga ako sa ganda ng kalooban mo. Sa pagiging makatotoo mo. Oo, nanghihinayang ako pero mas nangingibabaw ang paghanga ko sayo. It’s not you loss, remember that.”

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon