Pinag isipan kong mabuti ang desisyon ko. At sa palagay ko, ito ang tama. Hindi man maintindihan ng iba, pero baling araw maiintindihan din nila.
Nagtext ako kay Jen na ito na huli kong araw na pupunta sa school. Kukunin ko lang yung TOR ko sa registrar’s office. Nagreply naman siya na andun siya sa school kasama ang boyfriend niya. Siguradong nag-aayos na ito ng mga requirements niya para walang abala sa bakasyon nila ngayong sembreak.
Tinext ko na rin sila Jana at Ara. Gusto ko silang makita dahil ito na ang huling araw ko dito. Sobra sobra ko silang mamimiss pero kelangan kong panindigan ang desisyon kong ito lalo na’t sobra akong sinuportahan ni Daddy dito.
Ang araw na ito ay hindi katulad nung mga nakaraan. Bakit? Simple lang, kasi wala akong kasamang bodyguard. Hinayaan na ako ni Daddy na mag-isa basta ang sabi niya mag-ingat lang ako. Hindi na rin niya ako pinahatid sa driver namin, ako na mismo ang nagdrive ng sasakyan ko.
Excited na akong makita sa huling pagkakataon ang mga kaibigan ko. But at the same time, nakakalungkot. No more overnights and hangouts. Maninibago ako nito for sure.
Nang makarating ako sa school ay nagdiretso ako sa registrar’s office. Inabot ko ang clearance at resibo ko for my Transcript of Records (TOR).
“Are you sure about this, Miss Santos?” Tanong sakin ng nasa window 1 ng office. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Yes Ma’am.”
“Sayang! You’re of the best student pa naman here at DMU. You’re a big asset actually!” Tinanggal niya ang salamin niya sa mata. Pinatas niya ng maayos ang mga papeles ko bago ito ii-stapler.
“Isa lang naman po ang nawala. Madami pang mas magaling na natira, Ma’am.” Natigil siya sa kanyang ginagawa at tiningnan ako ng diretso sa mata. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago niya ibinalik ang tingin niya sa mga papers ko.
“I’ve never seen someone who has this grade like yours. Siguradong hindi lang ako ang nanghihinayang, ang buong DMU. Especially ang Presidente. Kung hindi sana pamangkin niya ang may kasalanan, sigurado akong hindi ka niya hahayang umalis dito.” Inabot niya sakin ang TOR ko. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niya. Sa halip ay nagpasalamat na lang ako bago umalis. Nagdiretso ako sa mga locker upang kunin ang mga naiwan kong gamit at mga libro. Sa dami kong gamit sa locker, yung ibang nakasipit na papel at nahulog na.
Pinulot ko ito isa isa dahil ayaw ko namang magkalat. Natigil ako ng makita ko ang isang white envelope. Maliit lang ito at naka-engrave ang pangalan ko, gold pa ang kulay. Binuksan ko ito. Dahan dahan kong inangat ang laman nito.
Napakagat ako sa lower lip ko at agad na nangilid ang luha ko. Isa itong litrato. Napakaperfect na picture. Kung titingnan mo ang dalawang tao sa litrato ay tila walang problema ang relasyon nila. Yung parang laging masaya at walang pinagdadaanan na sakit.
Bumagsak isa isa ang mga luha ko. Kinuha ito ng una naming pagkikita, that night when I almost give my virginity pero wala palang nangyari. Nakita ko kasi yung date sa lower part ng picture. Nakaunan ako sa dibdib niya habang nakayakap siya sakin. Nakapikit siya at nakangiti habang nakalapat ang labi niya sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...