Chapter 7

224K 1.5K 31
                                    

3 days had passed since that Bar incident. Hindi ko na rin naman masyadong iniisip ang pangyayaring yun, ma-stress lang ako. If you'll ask kung nasabi ko na ba sa mga friends ko yung nangyari, oo nasabi ko na. They were asking me, 'anong itsura?' 'gwapo ba?' 'hot ba?' , mga ganyang tanong. Sa tatlong araw na lumipas, lagi parin nilang tinatanong yan saken.

But past is past. Napakaliit ng porsyento na magkukrus ang landas namin.


Now I have to go to the gym. Kelangan ko kasing i-meet lahat ng varsity players ng school, volleyball, basketball, badminton, sepak and other sports. Hindi dapat ako ang nandito sa meeting na ito but since tungkol sa exhibition game sa foundation week ng school ang pag-uusapan, ako ang nagpunta para kausapin sila.


"Jess, 3pm ha? Sa gym. Andun na yung mga varsities." Paalala saken ni Ara. Isa si Ara sa mga varsities. She plays volleyball, not a team captain pero magaling. Balita nga na siya ang next team captain dahil graduating na ang captain nila.


"Yes. I'll be there. Kukunin ko lang yung mga gamit ko para after the meeting uuwi na ako. See you there."


Mahirap maging active president sa iba't ibang organization. I always ask them nga kung bakit ako ang napipili nilang maging president. Ang sagot lang nila ay "There is LEADERSHIP in you."


Right now, I'm holding 3 position at different organization, lahat pa yun as PRESIDENT.


As I reach the gym, napansin ko na kompleto na nga ang lahat. All of them were dress up kung anong sports ang nilalaro nila. Maybe because they had practice. Malapit na kasi silang lumaban bukod sa exhibition game na gagawin ng ibang sports for the foundation week.

.

As a leader, nagpunta na ako sa unahan with a big smile on my face. Kinamayan ko muna ang ilang PE Professors na naroroon din sa gym.


"Good Afternoon Varsities." bati ko sa kanila.


"First, I wanna thank you all for coming. This won't take your time. Just give me 10 minutes for this meeting." Nakita ko ang pagtango nila sa akin. Yung iba ay natigil sa ginagawa nila.


"On our foundation week, there will be exhibition game, lalo na sa opening ng event. We only pick two sports to showcase their talents when it comes to sports. Before niyo malaman , ay nainform na namin ang mga coaches. Volleyball both men and women division will have their exhibition game on the second day of the event. Opening game kayo for that day. Just one game each. Sa makakalaban niyo naman, it will be from the other school." Natigil ako sa pagsasalita ng biglang may tumaas ng kanyang kamay. Nakapang-volleyball siya na damit, at kita mo ang kagandahan ng kanyang katawan dahil sa kurba nito sa bewang niya. Isa sa advantage ng may sports, how I wish maalam din ako maglaro.


"Sobrang bitin naman kung tig-isang game lang, no change court." Ngumiti ako sa kanya.


"Yes, kahit kaming manunuod ay mabibitin. But its just an exhibition game. After all, sila rin naman ang makakalaban niyo in your upcoming games. This will add thrill para sa mga manunuod, and imagine, kapag nabitin sila sa exhibition game siguradong pupuntahan nila ang totoong laban niyo para mapanuod. Hindi ba? You will gain supporters, if I am not mistaken." Umupo siya at nagkibit balikat na lang. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.


"And on the third day, baseball boys it's your time to shine." Tumingin ako sa mga nakauniporme ng pangbaseball. Nagdiwang sila dahil bihira silang mapagbigyan ng ganitong exhibition game. Sinadya ko na sa kanila ibigay ang huling slot. Nakita kong naghigh five sila sa isa't-isa.


Maraming varsity ang school na ito. Madami kasi ang sports na inooffer ng DMU, lalo na at gusto ng school na magbigay ng scholarship sa maraming estudyante.


Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon