Andrei’s POV
Nagpasya akong pumunta sa probinsya ng Daddy ni Jess. Nagbabakasakali ako na bumalik siya sa Davao. Baka sakaling makita ko siya doon kasama si Alexis. Kung wala man siya doon, siguro titigil na muna ako sa Davao para makapag-isip-isip.
Galit ako sa sarili ko, kay Daddy at sa lahat nang nagyayari sa akin ngayon. But I know I have to be strong. Problema lang ito at alam kong mas malaki ang Diyos kesa sa problema ko.
Bago ako nagpunta dito ay iniisip ko muna ang magiging sitwasyon ko sa mga kamag-anak ni Jess at kung anong paliwanag ang gagawin ko. Inisip ko rin kung papatuluyin ba nila ako o palalayasin. Ang tanging hiling ko lang sa kanila ay pakinggan ako bago nila ako paalisin.
Mabilis akong nakarating sa Davao at tinungo ko agad ang bahay ng Lola ni Jess.
Nang makita ako ni Kuya Marco sa labas nang bahay ay nilapitan niya agad ako at sinalubong.
“Andrei! What brings you back here? Kasama mo ba si Jess?” Umiling ako sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo niya.
“Siya ang pinunta ko dito. Andito pa bang mag-ina ko?” Abot-abot ang panalangin ko na sana ‘oo’ ang sagot niya.
“What? Wala sila dito. May problema ba? Halika at sa loob nang bahay natin pag-usapan. Tila uulan nang malakas ngayon araw.”
Kinuha ni Kuya Marco ang aking maleta. Nakahinga ako nang maluwag nang pinatuloy niya ako sa bahay nila. Nakita ko ang Lola nila na nakaupo at nanunuod ng palabas sa TV. Lumapit ako sa kanya at nakuha ko naman ang atensyon niya. Nagmano ako bilang galang.
“Magandang tanghali po, Lola.” Napatayo si Lola.
“Andrei! Kasama mo ba ang apo ko?” Ang saya nang mukha ni Lola at alam kong malulungkot siya kapag nalaman niyang hindi ko sila kasama.
“La, may problema sila at dito niya hinahanap si Jessica.” Sagot ni Kuya Marco.
“Problema? Anong nangyari, iho? Halika at maupo ka.”
Nabunutan ako nang tinik sa pinakitang kabaitan sa akin nang Lola ni Jess. Alam kong pagkatapos kong isiwalat lahat sa kanila ay magagalit sila sa akin, pero kailangan kong sabihin ang lahat-lahat sa kanila.
“Buong akala ko po, magiging maayos ang lahat after naming umalis dito…”
Kinuwento ko lahat, simula sa simula ang problema namin ni Jess. Sa pagpapalaglag sa bata, hanggang sa pumunta siya dito sa Davao. Kinuwento ko rin ang kondisyon ko na baog ako at walang kakayahang magkaanak pati na rin ang paulit-ulit na pagpapa-DNA test namin sa iba’t-ibang opital. Naikwento ko rin ang pagseselos ni Jess kay Jen. Pinaliwanag ko na kapatid ko si Jen sa ama. Pati na rin ang trato ni Daddy kay Jess. Alam kong tutol siya sa relasyon namin ni Jess after nang nangyari sa huli kong relasyon, kay Hazel.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...