Akala ko simpleng pag-uusap lang ang magaganap sa loob ng library nang pinatawag ako ni Daddy. Pero nagkamali ako. Mauuwi pala sa sigawan at sagutan ang aming pag-uusap.
“I told you Andrei to get rid of the baby! But you didn’t listen!” Sigaw sakin ni Daddy. Gustong-gusto ko ring sumigaw pabalik ngunit alam kong kelangan ko pa ring rumespeto sa kanya. After all, he’s my dad.
“Pero anong ginawa mo? At dito mo pa talaga pinatira ang babae mo!”
“Her name’s Jess. And she’s my girlfriend!” Mahinahon kong sagot sa kanya. Calm down, Andrei. Keep calm.
“Hon, huminahon ka –“
“Paano ako hihinahon? Iyang anak mo, ang hirap pagsabihan! Dinala pa dito ang babaeng iyon kasama pa ang anak niya! Na alam natin na hindi anak ni And –“
“She is mine, Dad!” Hindi ko na napigilan. Kahit na anong sabihin nila na hindi akin ang batang inaalagaan ngayon ni Jess.
Ito ang dahilan nang pagtatalo namin Daddy. Pinagpipilitan niyang hindi ko anak si Alexis. Pinagpipilitan niyang hindi ako ang ama nito! At masakit para sakin na ipamukha sakin yun ng sarili kong ama. Sobrang sakit na kahit ang babaeng minamahal ko ay pinagdududahan niya.
“She’s not yours! Kelangan ko ba pang isaksak sa baga mo ang DNA result ng bata!”
DNA result! Damn, DNA result.
Simula nang dumating ako sa Davao, ito na ang kinukulit sakin ni Jen. DNA result, medical result! Fuck it! Ayaw kong maniwala sa kahit na anong resulta ganun din si Jen, pero kahit paulit ulitin namin ay negative ang nalabas. Oo, inaamin ko, hindi ko maiwasang magtaka o magduda. But seeing Alexis, I know and I can feel it that she’s mine. Akin siya. Anak namin siya. At ako ang ama niya, wala nang iba pa!
Unang hawak ko palang kay Alexis, unang tingin, ramdam na ramdam ko na akin siya.
Five years ago, nadiagnosed ako na impotent, wala akong kakayahang magkaanak. Or hindi ko kayang bigyan ng anak ang magiging asawa ko. First year college pa lang ako noon at sobrang gumuho ang mundo ko nang malaman ko iyon.
“Dad, Alexis is mine. Kung makikita niyo lamang siya, masasabi niyong akin siya. She’s mine.” Mas mahinahon kong sabi.
“No! Hindi mo anak ang batang iyon! Nakailang DNA test na ba kayo ni Jen? Paulit-ulit na lang ang resulta! Sinasayang mo ang bawat pera na ginagastos mo! Pero ano? Negative! Hindi mo anak ang tinatawag mong Alexis!” Itinapon ni Daddy lahat ng DNA result sa harapan ko.
Ito ang pinagkakaabalahan namin ni Jen. Kung saan-saan na kaming ospital na pinuntahan upang makapagpa-DNA test pero lahat sila pare-parehas ang resulta. In my heart, I was hoping na may lalabas na resulta na anak ko si Alexis ngunit wala. Lahat ay negative!
“Dad, maaaring magkamali ang DNA –“
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...