Chapter 46

155K 1.3K 64
                                    

Para akong artista pagkarating ko sa bahay ni Lola Maria dahil sa pinagkaguluhan ako doon. Tama nga si Kuya Marco, may hinanda si Lola dahil sa darating ako. Madaming bumati at sumalubong sakin. Mga tita at tito na ngayon ko lang ulit nakita.

Agad akong yumakap kay Lola ng makita ko siyang pababa sa hagdan. Sinalubong ko na siya. Sobrang namiss ko rin ang mga tao dito sa Davao.

“Lola!” Bati ko sa kanya at nagmano ako sa kanya.

“Naku! Tama nga si Rafael, dalagang dalaga ka na at ang ganda ganda mo. Manang mana sa mga lahi ko.” Tumawa si Lola. Hinawakan niya ako sa braso at dinala sa parte ng bahay na medyo walang tao.

“Rafael told me everything kaya ka andito.” Hindi agad ako nakaimik. Hindi na ako magtataka pa kung alam na ng mga pinsan ko ang kondisyon ko. Hindi ko na rin naman kelangan itago ito. I should be proud of it kahit na walang kagigisnang ama ang anak ko.

“How are you? Nasaan na hinayupak na ama ng anak mo?”

“Hindi ko po alam.” Yumuko ako. Hindi nakakahiya na buntis ang isang tao, pero ang nakakahiya ay yung wala itong ama. Yinakap ako ni Lola ng mahigpit. Kahit na nga-ngayon lang ulit kami nagkasama, ramdam na ramdam ko na mahal niya ako.

“Halika na nga! Bukas na bukas ay pupunta tayo sa doktor para makapagpa-check up ka. Ngayon, kumain ka muna at gabi na.”

Bumalik kami sa hapag kainan. Nagsisimula ng kumain ang mga pinsan ko. Ang saya, ang dami ko palang kapamilya at kapuso. Siguro, hindi ako makakaramdam ng pangungulila dito lalo na’t marami akong mga pinsan na makakasama araw araw.

Simple lang ang bahay ni Lola, yung parang mga lumang design ng bahay. Pero alagang alaga ito, hindi mo mahahalata na matagal na at matanda na ang bahay na ito. Hanggang second floor siya at kayang kayang mag-accommodate ng maraming tao kapag may handaan.

Ang daming lumapit sakin na mga pinsan ko. Yung iba ay ngayon ko lang na-meet, yung iba naman ay halos hindi ko na makilala dahil ang laki ng iniba simula noon huli kong punta dito.

“Naku Ate Jess, bukas ay ipapasyal ka na agad namin para hindi ka ma-homesick!”

“Oo nga, puntahan natin ang mga tourist spots dito sa Davao! Siguradong hindi mo na gugustuhing bumalik pa ng Maynila!”

“Ay naku! Tama na yang kwentuhan at pagpahingahin niyo na si Baby Jessica.” Sabi ni Kuya Marco. Ang alam ko si Kuya Marco ang pinakamatanda sa aming magpipinsan. Siya rin ang humahawak ng business ni Lola dito sa Davao. Pinamahala na ito sa kanya.

“Ang KJ talaga ni kuya! Kaya walang girlfriend eh.” Nagtawanan ang mga pinsan ko sa sinabi ni Maricar. Kahit ako ay natawa sa sinabi nito. Kitang kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni kuya Marco. Bull’s eye!

Natapos ang kwentuhan naming dahil mga nakaramdam na ng antok ang mga kasama ko. Kahit ako ay inaantok na, past 12 na rin kasi. Hindi ko naramdaman ang pagod dahil sa saya ng kwentuhan namin. Nakalimutan ko pansamantala ang dahilan kung bakit ako andito sa Davao.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon