Chapter 31

173K 1.2K 129
                                    

Everything's alright. Yan ang nasa isip ko ngayon. Pauwi na ako ng bahay at pinasundo ako ni Daddy kay Manong Eddie. Tinawagan siya ng Nurse tungkol sa nangyari sakin kaya agad na may sumundo sa akin. 

Dumating ako ng bahay na nag-aabang na si Daddy sa pinto. Agad niya akong niyakap ng mahigpit tsaka kami tuluyang pumasok sa bahay. Pinaupo ako ni Daddy sa sofa.

"Are you okay? Hindi mo daw na tapos ang speech mo dahil nagbreak down ka. Let's go to the hospital para--"

"No dad! No hospital. I'm perfectly fine." Agad akong humindi nang nagsuggest siyang pupunta kaming ospital. Ayaw ko. Ayaw kong maospital, ayaw kong dun nya malaman. Ayaw ko!

Agad na tumulo ang mga luha ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari simula kanina. Kaninang hindi nagparamdam si Andrei hanggang sa mag Miting De Avanze hanggang sa mawalan ako ng malay. Agad kong naramdaman ang mahigpit na yakap ni Daddy. 

"Dad, I'm sorry." Iyak ako ng iyak habang inilahad ko sa kanya ang pregnancy test na ginamit ko kanina sa clinic. Ang pregnancy test na may dalawang linya.

Automatic na lumapat ang kamay niya sa pisngi ko. Lalo akong naiyak. Hindi niya matanggap. Hindi! Napatayo siya habang hinahawakan ang kanyang noo at nakatingin sa kisame.

Tumayo ako at hinawakan ang braso ni Daddy. "Daddy, I'm sorry. Sorry. Please, dad." Halos magmakaawa na ako. Para akong bata na nadapa at nagkasugat sa sobrang iyak. Hindi ko kaya na ganito ang magiging resulta.

"Pinag aral kita sa matinong eskwelahan. Pinangako ko sa Mommy mo bago siya mamatay na magiging maayos ka hanggang sa makapagtapos ka. Pero Jessica --" HIndi na matuloy ni Daddy ang kanyang sinasabi dahil kahit siya ay iyak na ng iyak. Tumalikod siya sakin, dahil siguro ayaw niyang makita na umiiyak ako. Niyakap ko siya sa likuran.

 

"Daddy, please forgive me. Hindi ko sinasadya --"

 

"Alam na ba ito ni Andrei?" Tanong ni Daddy. Humarap siya sakin at kitang kita ko ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. Umiling ako bilang tugon sa tanong ni Daddy.

 

"Umakyat ka na at magpahinga." Agad din niya akong tinalukuran. Shit! Masakit pala na ang mismong ama mo ang tatalikod sayo dahil sa isang pagkakamali. Alam kong malaki ang expectation sakin ni Daddy dahil bukod sa outstanding ako sa pag-aaral ay iisa niya akong anak. Iyak lang ako ng iyak habang umaakyat ako sa hagdan namin. Hanggang sa makarating ako sa kwarto ko, wala akong magawa kundi ang umiyak.

 Hinagilap ko ang aking cellphone sa bag at dinayal ko muli ang numero ni Andrei. Ilang beses pa itong nagri-ring ngunit walang sumasagot. Tinawag ko ng tinawagan hanggan sa 'the number you have dialed..." 

Nawalan na ko ng pag asa na makontak pa si Andrei nang gabing iyon.

"Andrei, nasaan ka ba? Kung kelan kelangan kita tsaka na naman wala." Tumulo ang aking mga luha hanggan sa makatulog na ako. Sana, sana panaginip na lang ang lahat ng ito.

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon