Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Kulay pa lang ay alam ko na kung nasaan ako. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga gamit sa tamang lugar. Nakita ko rin ang dalawang tao na tila nag aabang sa aking pag gising.
“Honey, I’m glad you’re awake.” Lumapit sakin si Daddy at hinalikan ako sa noo.
“What happened?” Hinawakan ko ang ulo ko, tila nawala na ang pagsakit nito. Unti unti akong bumangon ngunit pinigilan ako ni Jen.
“Jess, mag rest ka muna. Mamaya ka na bumangon. Anong gusto mong pagkain? Ipaghahanda kita.”
“Jen, may mga katulong kami, we can just ask them to do that.” Sabi ni Daddy.
“I insist Tito. Baka may gusto kang ipabili or kainin. Anything, just ask me.” Kitang kita ko sa mukha ni Jen na sobra siyang nag aalala sakin. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya.
“Best, really, I’m fine. Hindi ako nagugutom.” Kumunot ang noo nila ni Daddy.
“Anung hindi nagugutom? Halos dalawang araw ka ng walang ayos na kinakain. You must eat! Manang!” Agad na tinawag ni Daddy si Nay Nini. Inutusan ni Daddy si Nay na ipagluto ako ng pagkain. Ayaw ko talagang kumain, wala akong gana.
“Busog pa ako –“
“Paanong busog ka pa? Eh hindi mo nga ginagalaw ang mga pagkain na binibigay sayo ni Nanay Nini. Best, you must be healthy!” Halatang iritado na si Jen sa aking inaasta. Bakit kasalan ko ba na wala talaga akong gana or nalipasan na ng gutom?
“Okay, I’m going to eat but do me one favor.” Tinitigan ako ni Daddy at Jen. Hinihintay nila ang favor na nais ko. At sana naman, matupad nila ito.
“Please buy me some mangoes. Yung malalaki, kinalabawan ata ang tawag dun. Basta yung maasim.” Nanlaki ang mga mata nila at unti unting ngumiti. Isang ngiti na tila walang problema, ngiti na walang hinanakit. Nagtawanan sila Daddy at Jen sa sinabi ko.
Okay, I get in. Hindi pa ngayon ang season ng manga pero nagke-crave talaga ako sa kanya! Tinaasan ko ng kilay sila Daddy at Jen habang patuloy na tumatawa.
“Fine! Sige pagtawanan niyo ako! Kapag walang manga, hindi ako kakain.” Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtaklob ng kumot. Ano ba naman ang nangyayari sakin at bigla bigla akong naghahanap ng manga? Samantala nung buntis naman, hindi ako naghahanap ng kahit na anong pagkain. Isang tao a=lang ang parati kong hinahanap.
Tuwing naiisip ko siya ay hindi mawala wala ang sakit na nararamdaman ko at ang pagkawala ng anak ko! Tuwing dumadaan siya sa isipan ko, pagkamatay ang kaakibat nito.
Hindi rin mawala sa isipan ko na sisihin ang sarili ko. Yes, may parte na ako dapat ang sisihin kasi kung hindi ko pinagpilitan ang sarili ko at magiging anak ko kay Andrei, ay sana buhay pa at nasa sinapupunan ko pa rin ang anak ko. Na sana after nine months, ay mayayakap at mahahalikan ko ang anak ko. Pero dahil sa pamimilit ko, nawala. Wala na siya.
BINABASA MO ANG
Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)
Romance(NOW AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE) Dalawang tao na nagkakilala sa hindi inaasahang panahon. Parehong umibig at nasaktan. Ito ang pag-ibig na sinubok nang panahon, sinubok nang tadhana. This story will make you, Be in love. Believe in forev...