Chapter 7

165 9 1
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Pabalik-balik naman ako sa harap ng table ko kung saan nakapatong at naka-charge ang cellphone ko. Mabilis akong lumapit sa cellphone ko at naibagsak ko ulit 'yon dahil wala pa sa five percent!

Kapag binuksan ko kasi ang cellphone ko na nasa four pababa pa lang ang charge ay naghahang ang cellphone ko dahil matagal-tagal na din 'to saakin. Ayoko naman bumili ng bago dahil sayang lang din naman ng pera kaya gagastarin ko muna 'tong luma bago ako bumili.

"Whaaaa! Mag five percent ka na please! Sigurado akong pagpipyestahan na ako ng social media ngayon!" Kinakabahan kong sabi habang pabalik-balik ulit sa paglalakad sa harapan ng lamesa.

Nahagip naman ng mata ko ng biglang umilaw ang cellphone ko kaya dali-dali akong napalapit doon at napasigaw ako ng makitang five percent na kaya agad ko namang binuksan ang cellphone ko.

"Ang bagal" kinakabahan kong sabi at nakagat ko na ang kuko ko at ang isa naman ay ginagawa ko ng keyboard ang lamesa dahil sa sobrang kaba. "Ayown!" Sigaw ko ng bumukas na ang cellphone ko kaya bubuksan ko pa lang ang ang Instagram ng sunod-sunod na notification ang natanggap ko.

At para namang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko at napaupo na lang ako sa kama ko dahil pakiramamdam ko ay namumutla na ako ngayon.

"L-lagot na" mahina kong sabi ng parang masisira na ang cellphone ko dahil sa sunod-sunod na notification and natatanggap ko sa iba't ibang social media na meron ako.

Nakarinig naman ako ng sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ko kaya sumilip muna ako sa bintana ko mula dito sa kwarto ko para tignan kung sino 'yon.

"Anong ginagawa ng mga 'to dito?" Nagtatakang tanong ko ng makita sin Colt at Azeri.

Bumababa ako at pinagbuksan sila. Magsasalita na sana ako ng pagtulungan na nila akong ipasok sa bahay ko at pinaupo sa sofa.

"Hoy i-lock niyo ang gate!" Sigaw ko sakanila.

"Yes, bossing!" Sagot ni Azeri bago bumalik sa labas.

Tumingin naman ako sa mga gagong kaharap ko na nakangiti ng malapad.

"Problema niyo?" Taas kilay kong tanong sakanila.

"Mukhang kabado ka boss ahh, anong ginawa mo?" Nang-aasar na tanong saakin ni Colt.

"Anong pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong tanong sakanya.

"Boss fifteen minutes ago pa lang ang nakakalipas, posible namang limot mo na agad?" Gatong naman ni Azeri.

Tinignan ko naman silang dalawa at pareho sila na may nakakaasar na tingin at ngiti kaya napapikit ako ng mariin.

"Oo na! Napindot ko lang naman ehh!" Pag-aamin ko sabay tingin sa screen ng cellphone dahil sunod-sunod pa rin ang pagvibrate neto.

"Bwahahahahahahahahaha!" Sabay nilang tawa kaya napakunot naman ang noo ko.

"Si boss naging stalker! Hahahahaha" natatawang sabi ni Colt.

"Ohh anong problema doon? Ayy lumayas na nga kayo kung wala kayong matinong sasabihin! Aayusin ko pa 'to" sabi ko sabay tayo.

"Ehh pinagkakaguluhan na ngayon si Miss Brielle sa social media, at ang mga fans mo baka kalbuhin na ang crush mo kapag nakita nila si Miss Brielle." sabi ni Colt saakin kaya napakamot ako sa batok. "I-unfollow mo na–"

"Ehh ano pa magagawa non? Pinagkakaguluhan na nga si twenty nine." Sabi ko.

"Ehh ano na gagawin mo ngayon?" Tanong saaken ni Azeri kaya nag-isip naman ako at bigla akong may naalala kaya kinalikot ang phone ko at may tinawagan.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now