๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
Dumaan ang tatlong araw at bukas na ang pinakahihintay kong araw! Bukas na ang simula na pinakahihintay kong karera at heto at papalabas na ako sa building kung saan nagkaroon ako ng guesting sa isang show.
Sa araw na 'to naka lima ako na guesting at hapon na ng matapos ako at sobrang napapagod na ako. Ilang araw ko din hindi nakita si twenty nine kaya wala akong pampagana, akala ko nga araw-araw ko na siya makikita dahil sa araw-araw niya din na pagpapakita saakin nung mga nakaraang araw, pero hindi pala.
"Coffee?" Tanong saaken ni papa pagpasok ko sa van pero umiling ako at isinandal ang ulo ko sa bintana.
"Uwi na lang tayo, gusto ko na magpahinga" pagod kong sabi sabay pikit.
Naramdaman ko naman na umadar na ang kotse kaya dumilat ulit ako bago tumingin sa bintana. Ang hirap talaga maging gwapo... Ang daming ginagawa, ugh!
Ipipikit ko na sana ulit ang mga mata ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mahagip ang isang babae kaya lumingon ako habang umaandar pa rin ang sasakyan para siguraduhing siya nga ang nakita ko.
"Papa, pakitigil ang sasakyan" tapik ko kay papa na siyang nagmamaneho.
"Huh?"
"Itigil mo ang sasakyan!" Natataranta kong sabi dahil baka makalayo na siya.
Itinigil naman ni papa ang sasakyan kaya nagmadali akong lumabas.
"Hoy saan ka pupunta! Akala ko–"
"Uuwi na lang ako! Sige na papa, ayos lang ako dito" putol ko sa sasabihin niya bago tumakbo papalapit sa kinaroroonan ni twenty nine kanina.
Nasaan na 'yon? Nagpalinga-linga naman ako para hanapin siya at parang naging isa akong agent dahil ng makita ko siya ay biglang naging 'target locked' bigla ang mga paningin ko sakanya.
Nagtataka kayo kung bakit ako bumaba? She seems terrible at parang wala sa sariling pag-iisip na naglalakad. Baka kung ma-paano siya.
Ugh! Bakit ba hinahayaan siya ng boyfriend niyang gumala ng mag-isa! Tapos hindi man lang nakasumbrero o ano lalo na at hindi pa rin matigil ang mga kakachismis saaming dalawa.
"Twenty nine!" Tawag ko sakanya pero parang hindi niya naman ako narinig at mukhang naagaw ko pa ang atensyon ng ilan kaya napatingin sila saakin at ngayon ko lang din napagtantong wala din akong sumbrero. "Aish!" Mariin kong sabi at sunod non ay rinig ko na ang tiliian ng ilang batang nakakasalubong ko.
"Gosh! Si Daddy Miggy! Kyaaaaa!"
"Omgggggg!!"
"Daddy, pa autograph kami!"
"Kami rin!"
"Oyy kami rin ghaddd!!"
At sa isang iglap lang ay nakapalibot na sila saaken at kanya-kanyang labas ng cellphone, papel at pentelpen.
Ohh god! Pinagbigyan ko na lang sila at panay pa rin ang tingin ko kay twenty nine na parang zombie kung maglakad.
At kung hindi lang dahil sa mga security ng mga malapit na mall dito ay hindi ako makakatakbo paalis sa mga nagkukumpulang babae kanina sa paligid ko. Nagmadali akong habulin si twenty nine hanggang sa mapansin kong nandito na naman ako sa tapat tambayan namin.
Hinagilap ko naman ang loob ng bakanteng lote at parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng makita ko na nakaupo si twenty nine sa damuhan habang nakayuko kaya agad akong lumapit.
Habang papalapit ako ng papalapit sakanya, rinig na rinig ko rin kung paano siya humikbi kaya parang binasag naman ang puso ko.
Hindi niya naman yata napansin ang pag-upo ko sa tabi niya kaya tinitigan ko lang siya habang yakap niya ang dalawang paa niya habang nakayuko siya doon.