๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
Naging smooth naman lahat ng pagsagot ko sa mga tanong ng mga reporters tungkol sa pagkapanalo ko sa race noong isang araw. Nagpaalam na ako at tatayo na sana ng biglang may nagtanong ulit.
"Mr. Uganiza, is it true that you're dating Ms. Azores?"
Tanong na nagpakabog ng malakas sa puso ko at dahilan din para mapatigin ako kay papa at Cion na nasa gilid.
Sinenyasan naman ako ni papa na maupo at kumalma kaya ginawa ko 'yon at tumingin ulit sa harapan.
"Sorry? Can you repeat that?" Tanong ko dahil medyo nabingi talaga ako sa sinabi niya.
"Is it true that you and the famous racer, Ms. Brielle Azores, is dating?" Tanong niya ulit kaya naiyukom ko ang mga palad ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi pa namin napag-uusapan ni Brielle 'to pero nandito na ako sa sitwasyon na 'to. Ayokong i-deny pero natatakot ako para kay Brielle.
Tumingin ulit ako kay papa at nakita ko na tumango siya ng marahan habang nakangiti kaya kumunot sandali ang noo ko bago ko ulit tinignan ang mga taga media.
Kaya ko protektahan si Brielle kahit ano man ang mangyare pagkatapos neto at hindi ko hahayaang may mawala pa sakanya.
"Yes. Totoo po 'yon" sagot ko kaya sunod-sunod ulit ang flash na nakita ko at sunod-sunod din na reaksyon ang narinig ko.
"Matagal na ba na may namamagitan sainyong dalawa?"
"About a month ago" matapang na sagot ko.
"Ikaw ba ang naging dahil ng hindi pagsipot ni Brielle sa nakatakdang kasal sana nina Ms. Azores at Mr. Fajardo noong nakalipas na buwan?"
"Yes" agad na sagot ko
Wala ng atrasan 'to. Pasensya na Dave, pero kailangan ko gawin 'to para kay Brielle.
"Bakit?"
"Lahat naman tayo ay may karapatang magdesisyon hindi po ba? I love Brielle more than anything in this world and I can't see her marrying someone else. Hindi ko kayang maupo habang alam ko na kapag natuloy ang kasal nila ay pagsisisihan ko na hindi ko siya pinigilan" mahabang sabi ko at tahimik naman silang nakikinig.
"Bakit ninyo tinago ang relasyon ninyo?"
"Alam niyo na, hindi po ba?" Nakangiting tanong ko sakanila na pinagtaka nila. "Narinig niyo na po ang sagot mula kay Brielle, tama ho ba?" Tanong ko ulit.
"Eyy pero–"
"S'yempre gusto niyo din marinig ang side ko kaya bibigyan ko po kayo ng sagot" sabi ko at bigla na lang naging magaan ang buong paligid na kani-kanina lang ay sobrang tense.
Napagtanto ko na ang nangayayare ngayon. Nagsalita na si Brielle bago pa 'to mangyareng interview ko at kaparehong mga tanong lang din naman ang mga itatanong nila kaya alam ko na kung saan papunta 'to.
"Tinago namin dahil alam ko na maraming maapektuhan at ayoko din ipagkalat sa marami ng wala pa na maayos na usapan sa pagitan namin ni Dave, magkakaproblema sa pagitan naming dalawa kapag hindi nangyare iyon, lalong-lalo na din kay Brielle. Kaya pinili namin itago muna at ayusin ang lahat" mahabang paliwanag ko pero napansin ko na ang ilang sakanila ay ibinaba na ang camera at ang ibang reporters naman ay hindi na nagsusulat sa kani-kanilang laptops. "Hindi niyo po ba isusulat iyong mga sinabi ko ngayon-ngayon lang?" Tanong ko.
"Magkaparehas kayo ng sagot ni Ms. Brielle kaya kami na ang bahala doon" biglang sabi ni Cion na nasa gilid ko na pala. "Walang huhusga at hahadlang sa relasyon niyo dito dahil sinipa ko palabas lahat ng mga story teller" mahinang sabi niya saakin sabay kindat kaya tumawa ako. "At hinanda lang namin etong interview para makuha ang side mo patungkol doon" sabi niya ulit kaya napabuga ako ng hangin.