๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Please, please, please" paulit-ulit na usal ko habang pabalik-balik na naglalakad sa gilid at hinihintay na maupala ang apoy na nagmula sa bar kung saan ko huling nakita sina Brielle.
Napahilamos ako ng mukha ko bago ko pinigilan ang nagbabadya kong luha.
"What the fvck!" Sigaw ko dahil sa galit at inis.
"Hey, the reporters are here" biglang kalabit saakin ni Dave kaya nilingon ko muna siya bago ko tinignan ang mga reporters na tumatakbo papalapit saakin.
Napatayo na lang si Dave at humarang pa sa unahan ko ng magsiksikan ang mga reporter sa harapan namin.
"Mr. Uganiza, ano ho ba ang nangyare?"
"Ayos lang ho ba kayo?"
"Nasaan po ang mga kasama niyo?"
"Nasaan po si Ms. Brielle? Balita namin ay nasa loob din siya ng bar na sumabog"
Sunod-sunod nilang sabi habang nakatutok saakin lahat ng camera nila at hindi ko kayang makatayo ng maayos ng banggitin nila si Brielle kaya kinailangan pa akong hawakan ni Dave sa braso para patayuin ng maayos.
Napapikit na lang ako bigla ng bigla na lang mag flashback sa utak ko ang nangyare sa dating girlfriend ko.
"Hey, anong nangyayare sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Dave saakin habang inaalalayan ako.
"Ikaw ho ba ang dahil kung bakit nangyare kay Ms. Loren ito?"
"Mr. Uganiza! Mr. Uganiza!"
"Balita namin ay ang dahilan ng pagkahulog ni Ms. Loren ay nag-away daw kayo, totoo ho ba iyon?"
"Ugh!" Daing ko ng marinig ko ang mga boses na iyon sa utak ko at ramdam ko na din na nakaluhod na ako sa kalsada pero hindi ko pinansin iyon dahil naninikip na ang dibdib ko.
"Sorry, please let's us through!" Rinig kong paki-usap ni Dave sa mga reporters habang pilit akong tinatayo at inaalalayan.
Its still hunting me and I don't like this!
Ang sunod-sunod na flash ng camera at ang sunod-sunod nilang pagtanong ay nagdudulot ng sobrang takot at paninikip ng dibdib ko kaya halos ramdam ko na ang pawis na tumutulo mula sa ulo ko.
"Hey. Hey! Are you ok!? Fvck! Namumutla ka na" sabi ni Dave ng paupuin niya ako. "Give me some fvcking water right now! Faster!" Sigaw niya pa pero nanghihina na ako to the point na parang nanghihina na din ang pandingig ko.
Sunod ko na lang naramdam ay ang pagdampi ng tubig sa bibig ko kaya nilunok ko na lang 'yon bago huminga ng malalim.
Ikinalma ko ang sarili ko at inisip ko si Brielle kaya kahit nanghihina pa ako, tumayo ako para sana bumalik doon pero hinarang ako ni Dave.
"Let's wait here–"
"I can't wait" nanghihina ko na sabi sakanya at sinubukan siyang itulak pero wala na akong sapat na lakas para maitulak siya paalis sa harapan ko.
*Kringgggg*
"That's your phone" sabi ni Dave kaya hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pangalan ni Colt doon.
"Hello? Hello!?" Bungad ko dahilan para iikot ako ni Dave patalikod at itulak sa likod papunta sa kung saan.
"Kinukuha mo ang atensyon ng mga reporters" sabi ni Dave at isinakay ako sa kotse.
"Boss... Bossing" hinihingal na sagot ni Colt mula sa kabilang linya kaya mas kinabahan ako.
"Where are you!? Si Brielle!? Where the fvck are you!?" Atat na atat na tanong ko sakanya.