๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
Lulan ng van ni papa, tahimik kaming naka-upo at mukhang hinihintay lang din nila akong magsalita kaya nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako tumingin sa nakahigang katawan ni Brielle sa tabi ko.
May isang kama kasi dito sa likod at talagang pinasadya ko 'tong ipagawa kay papa dahil tuwing ba-byahe kami may maayos kaming matutulugan.
"Anong ginagawa niya dito? Anong nangyare, papa?" Tanong ko saka ko hinawi ang iilang hibla ng buhok ni Brielle na nakaharang sa mukha niya.
"Kakain sana kami sa isang malapit na restaurant kanina paglapag namin dahil ginutom ulit siya, but then, nag-paalam ako sakanya pupuntang banyo at pinauna siya pumasok sa loob kaso pagbalik ko wala na siya at nung tawagan ko nandoon na siya sa airport. She refused to talk at nag-matigas na hihintayin ka niya doon sa airport" mahabang kwento ni papa kaya kumunot ang noo ko.
"Wala siyang sinabi na kahit ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Hmm" sagot ni papa. "But nung suriin ko ang itsura niya mukhang may hindi magandang nangyare sakanya, takot na takot siya ng maabutan ko siya. Kaya nung balikan ko ang lugar kung saan ko siya iniwan, sinubukan kong i-review yung cctv sa paligid dahil nag-aalala din ako sakanya pero wala naman akong nakitang kakaiba" sabi niya pa kaya mas kumunot ang noo ko.
"Tinignan niyo po talaga lahat ng cctv footage na nasa paligid?" Tanong ko at tumango naman siya kaya pabuntong hininga ako napasuklay sa buhok ko. "Well... I'll talk to her later, ako na ang bahala sakanya" sabi ko kaya tanging tango na lang ang naging tugon saak8n ni papa.
Medyo malayo-layo pa ang iba-byahe namin para makaabot sa bahay na tutuluyan namin kaya dito na ako sa loob ng sasakyan kumain.
"Paabot nga ako ng tubig–" natigilan naman ako sa pagsasalita ng biglang may dumagan sa legs ko kaya napayuko ako.
Napangiwi ako ng makita ang paa ni Brielle na nakapatong sa legs ko. Gumalaw pa siya kaya umatras ako ng muntik niya ng masipa ang hindi dapat masipa kaya napunta sa may tuhod ko ang paa niya.
"P-paki-a-alis nga ako ng paa ni Brielle sa legs ko" utos ko habang para akong naistatwa sa kina-u-upuan ko dahil nililingkis niya pa sa tuhod ko ang paa niya.
"Magigising 'yan, pagod na pagod 'yan kakaupo at kakahintay sa 'yo ng ilang oras" sabi ni papa kaya napapikit naman ako.
Ibinaba ko muna ang hawak kong baunan saka ko dahan-dahang hinawakan ang paa ni Brielle bago binuhat ng dahan-dahan paalis sa tuhod ko.
Gumalaw naman siya kaya natigilan ako sa pag-alis ng paa niya sa tuhod ko, pero nung hindi na siya gumalaw mabilis akong tumayo at dahan-dahang umalis sa higaan bago ko marahang nilapag ulit ang paa niya.
Lumipat ako sa maliit na upuan at doon ko ipinagpatuloy ang pagkain ko, pero mayamaya lang nagitla ako at muntik ko pang maitapon ang hawak kong baunan nang biglang naupo si Brielle mula s Q1a pagkakahiga niya.
"No!" Sigaw niya habang naghahabol ng hininga habang ako ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkabigla pero namilog ang bibig ko ng biglang gumewang ang sasakyan at tuluyan ko na ngang naitapon ang baunang hawak ko at nahulog ako sa kinauupuan ko.
Napatingin ako kay Brielle at nanlaki ang mga mata ko ng makitang mahuhulog siya sa maliit na kama, agad ko siyang nilapitan pero naibalanse niya ang sarili niya sama napaluhod sa higaan pero biglang huminto ng biglaan ang sasakyan dahilan para s
sabay-sabay kaming umabante paharapan."Ohh!" Sigaw ko ng makita na saakin babagsak si Brielle.
Napapikit na lang ako ng tuluyan ng dumagan ang katawan niya saakin at napangiwi din ako dahil sa lakas ng pagkakadagan niya saakin. "J-jusmiyo marimar" usal ko ng mapagtanto dikit na dikit ang katawan niya saakin. "Pa', naman! Brielle, get up, shit natapon na 'yong kinakain ko" kunot noo kong sabi.