๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
Kanina pa mahigpit ang hawak ni Brielle sa braso ko kaya tinapik ko ng marahan and likod niya para iparating na hindi nandito si Dave para mangulo. Tiningala niya naman ako ng maramdaman 'yon kaya marahan akong tumango sakanya saka ngumiti ng bahagya.
"Anyway, I need to go. Ako na ang bahala magpaliwanag tungkol sa nangyare kanina" sabi ni Dave ng maramdaman niya na walang balak si Brielle na kausapin siya.
"Sigurado ka?" Tanong ko dahil handa din naman akong magpaliwanag sa maraming tao tungkol sa nangyare kanina.
"Hmm, I'll take care of everything so please take care of Brielle" sabi niya kaya tumango naman ako bago siya tumalikod.
Pero nakaka isang hakbang pa lang siya pero lumingon ulit siya saamin habang nakangiti ng malapad.
"One favor" sabi niya kaya tumango ako para ituloy niya ang sasabihin niya. "Treat her more than how you treat your cars" nakangiti niyang sabi kaya bigla namang may ibang hangin ang pumasok sa utak ko dahilan para magkunware akong umubo at magpalinga-linga ng tingin.
"Ehem" tikhim ko saka ko pilit na itinago ang tawa at ngiti ko. "Sure, no problem" kunwareng seryoso ko na sabi bago tumikhim ulit.
"Are you ok?" Nagtatakang tanong ni Brielle pero pinisil ko lang ang ilong ko para itago ang ngiti ko.
"Brielle, I'm going" paalam ni Dave kay Brielle. "Miguel" sabi niya pa sabay tango saakin kaya tinanguan ko din siya.
"Dave" tawag ni Brielle kay Dave pero naituon ko na ang mga mata ko kay Brielle dahil hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Dave.
Lintik!
"We'll talk some other time" malumanay na sabi ni Brielle
"Sure"
"Thank you" pagkasabi niya non ay bahagya siya ngumiti bago kumaway kay Dave.
Narinig ko naman ang pag-alis ng kotse ni Dave pero nakatutok pa rin ang mata ko kay Brielle hanggang sa tignan niya ako.
"Why are you smiling like that?" Kunot noo niyang tanong bago niya pinag cross ang dalawang braso niya. "Ano ang pinag-usapan niyo?" Tanong niya pa pero inilapit ko ang mukha ko sakanya habang nakangiti pa rin.
"Narinig mo ang sinabi niya?" Tanong ko.
"Alin?" Nagtataka niyang tanong kaya mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.
Hindi naman niya nilalayo ang mukha niya saakin kaya naamoy ko na ang napakabangong perfume na gamit niya.
"Sabi niya alagaan daw kita higit pa sa pag-aalaga ko sa mga kotse ko" sabi ko bago ko ipinulupot ang dalawang braso ko sa bewang niya. "Papaliguan kita, sasabunan, hahalikan, didiligan–"
"You maniac!" Sigaw niya habang kunot ang noo saka niya tinulak ang noo ko gamit ang hintuturo niya kaya tumawa ako.
"Didiligan ng tubig kasi! Pinapaliguan, sinasabunan, hinahalikan at binubuhusan ko naman talaga ng tubig gamit ang host ang kotse ko ah!" Natatawa ko na sabi habang tinatanaw ko siya maglakad palayo bitbit ang mga damit niya.
"You and your dirty mind! Aish!" Naiinis niyang sabi bago nagpapadyak papasok ng bahay kaya natatawa ako na sumunod sakanya.
"Joke lang 'oy! 'di ka talaga mabiro" natatawang sabi ko.
"Blah blah blah" sabi niya bago dire-diretsong pumasok sa isang kwarto.
Ang cute.
*****