Chapter 29

63 6 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Huminto ang sasakyan sa harapan ng prisinto, kaya nauna ulit akong bumaba bago ko inalalayan si Brielle pababa ng sasakyan.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya pagbaba niya ng sasakyan.

Nakasuot kami pareho ng itim na sombrero at naka mask din para hindi kami makilala.

"Hmm" sagot niya kaya sabay naman kaming naglakad papasok sa loob.

Kaming dalawa lang ang magkasama at wala kaming isinamang bodyguard na ikinuha ko para sakanya dahil kasama niya naman ako. Nagka-usap na din kaming dalawa ni Brielle na kakausapin niya na sina Dave, at gaya ng sabi ko, kung ano man ang desisyon niya ay kontento na ako doon.

"Good afternoon, Miguel" bati saaken ni tito, ang tatay ni Flint.

"Good afternoon, tito. We're here for Dave Fajardo and Lindsay" sabi ko sakanya kaya sinamahan niya naman kami sa kulungan kung saan nila nilagay sina Dave.

"B-brielle" tawag ni Dave kay Brielle ng makita niya kami kaya agad siya gumapang papalapit sa selda bago siya tumayo at agad na hinawakan ang kamay ni Brielle. "Honey, I'm sorry–"

Hindi niya naman natapos ang sasabihin niya ng tanggalin ni Brielle ang kamay niya.

"Brielle, pag-usapan natin 'to please" paki-usap ni Dave.

Pero imbis na si Dave ang tignan ko, napunta kay Lindsay ang tingin ko na nakaupo pa rin habang nakayuko ang ulo. Is he regretting what he has done?

Napailing na lang ako bago ko ulit tinignan si Brielle, nakita ko na nakatingin din pala siya saakin kaya ngumiti ako ng tipid sakanya bago ko siya tinanguan ng isa.

"Sa labas muna ako, hihintayin kita doon" paalam ko sakanya saka ako dire-diretsong naglakad palabas at hindi na siya hinintay na sumagot.

Ayokong marinig ang usapan nila at baka bigla na lang ulit mag-init ang ulo ko kay Dave at hindi ko siya matanya, masuntok ko ulit siya sa mukha kahit nasa loob siya ng selda.

Naupo ako sa gilid ng hagdanan papasok sa police station at doon ako naghintay. Pero mayamaya lang biglang may tumabi saakin kaya tinignan ko kung sino 'yon.

"Ayos ka lang, tol?" Tanong ni Flint na mukhang kararating lang.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sakanya.

"Nautusan na naman ako ng magaling kong kapatid, ano pa ba?" Sabi niya kaya tinawanan ko siya ng mahina. "Pero ayos ka lang nga? Mukhang namo-mroblema ka ahh" sabi niya ulit kaya napabuntong hininga ako.

"Natatakot ako para kay Brielle," sagot ko sakanya.

"Ayan tayo ehh. Mahirap talaga 'tong pinasok mo, hindi natin alam kung saan 'to hahantong na nangyayre sainyo, hindi ko rin masabi kung tama ba o mali itong ginagawa mo dahil nagmamalasakit ka lang din naman," sabi niya kaya tinignan ko siya "At nagmamahal yipieeee!" Biglang asar niya kaya napailing-iling ako. "Iyong totoo Miguel, crush mo lang ba siya o mahal mo na siya?" Tanong niya.

"Tumahimik ka nga jan. Umalis ka na at baka lumabas na din si Brielle" sabi ko sakanya pero nanatili siya sa tabi ko.

"Alam mo Miguel, kung ako sa 'yo, hindi ko na hahayaan na bumalik si Brielle sa Dave na 'yon, lalo na't masama din ang kutob ko doon sa isa pang lalake n kasama niya" sabi niya. "Kaibigan ba 'yon ni Brielle?" Tanong niya.

"Oo. Hindi ko naman hahayaan si Brielle kung desisyon naman niyang bigyan ng pagkakataon si Dave" sagot ko sakanya.

"Paano mo gagawin 'yon?" Tanong niya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now