๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"What are we doing here!?" Medyo pasigaw ko na tanong sa kaibigan ko dahil sa ingay ng mga makina ng mga nagkakarerang mga motor.
"What else!? We're here to watch!" Sabi niya bago naupo. "Whoooo!! Nice!" Sigaw niya na may kasama pa na palakpak.
Napairap na lang ako bago pinagcross ang dalawang kong kamay sa dibdib at pinanood ang laban.
"Number twenty nine is now on the lead, mukhang heto na ang sinasabi niyang kahit panghuli man siya, ay siya pa rin ang mananalo. She's cool as ever, hotter than before and the very first woman got one hundred medals and trophys for being an racer" Rinig kong sabi ng announcer kaya bigla akong nacurios sa babaeng 'yon.
Amazing. I only got fifthy medals and trophys in car racing while her, woah! Amazing. Hinanap naman ng mata ko ang number sa motor at damit niya mula sa screen, nakita ko naman na nangunguna na nga siya and she look cool the way she ride the big bike.
Very interesting
"Ang mga taga suporta niya ay hindi na magkamayaw! She's now on the last lap and we'll see who's the winner!" Sabi naman ng isang announcer.
Tutok na tutok naman ang mata ko sakanya habang mabilis niyang pinapatakbo ang motor niya sa field.
"Number twenty nine is so cool dude! I wonder if she's beautiful without that helmet" rinig kong sabi ni Flint.
"Tch, malay mo pangit kaya 'wag ka na umasa, saan ka naman makakakitang chicks na nagmomotor t'yaka maganda?" Sabi ko nang hindi inaalis ang mata ko kay number twenty nine.
"Psh, pustahan tayo maganda 'yan! Kapag maganda aanhin kita?" Tumatawa niyang sabi.
"Ewan ko sa'yo" sabi ko at nag-focus na lang sa panonood.
"Twenty nine is on the lead now! Followed by number ten, who do you think will win!?" Sabi ulit ng announcer kaya walang humpay naman sa pagsisigaw ang mga tao sa field.
Malapit na sa finish line nang biglang bilisan ni number ten at inunahan si number twenty nine kaya napatingin sakanya si number twenty nine, bigla siyang naghinay-hinay sa pagmamaneho kaya bigla namang nagreack ang mga tao.
"Hoy anong ginagawa niya!" Biglang sigaw din ni Flint at napatayo pa kaya hinila ko ulit siya paupo. "Tol wala pala 'to ehh– whooo!" Hindi niya na naituloy ang sinasabi dahil sa ginawa ni twenty nine, kaya pati tuloy ako napatayo sa biglaang pagharurot ni number twenty nine na parang si the flash!
Bumalik ulit ang sigawan ng mga tao at pansin ko na lahat na sila at nakatayo at ako naman nakangangang tinitignan ang laban. As in bigla talagang humarurot si number twenty nine at inangat pa iyong unahan ng motor niya.
"Number twenty nine is on her way to the finish line! She always amaze us! Unbelievable I didn't imagine she'll do that!" Amaze na amaze na sabi ng announcer. "And the winner is Brielle Alinta Azores!!! What a cool race!" Sabi nila at nagwala naman ang mga tao dahil sa tuwa.
Umikot pa siya ng isang round sa field bago inihinto ang motor patagilid, bumakas pa iyong gulong sa daan bago siya bumaba saka niya onti-onting inalis ang helmet niya.
Para nama biglang nag slow motion lahat ng dahan-dahan niyang tanggalin ang helmet niyang itim. At tuluyan na nga akong natulala ng dahan-dahang bumagsak ang blonde niyang buhok at matanggal ng tuluyan ang kanyang helmet.
Oh god! She's... she an angel! She has a pointed nose, pinkish lips, perfect jaw line ohh god! Saluhin niyo ako!
Humarap naman siya sa direksyon namin at tuluyan ko ng nakita ang kabuuan niya at parang malaglag ang panga ko ng makita ang napakaganda niyang mukha.