Chapter 9

122 7 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Nilingon niya naman ako at ng makita niya ang nakangiti ko na mukha, bigla siyang umalis sa pagkakasandal saakin at bahagya pa akong tinulak kaya natatawa akong tumingin sakanya.

"What are you doing here? Kanina mo pa ako sinusundan?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Aba natural. Anong nangyare sa'yo?" Nagtataka kong tanong at hindi pinahalatang nag-aalala ako sakanya.

Baka bigla naman akong banatan ehh.

"Tch. Bakit mo ako sinusundan?" Nakakunot noo niya pa rin na tanong.

"Ahh oo nga pala, eto ohh" sabi ko sabay lahat nung kamay ko na hawak 'yon susi na mukhang keychain. "Naiwan mo po sa kotse ko, ibabalik ko sana kaso bigla ka naman tumakbo" kunwareng masungit kong sabi kaya bigla namang hindi mapakali ang mata niya ng sabihin ko 'yon.

She wants to be alone.

Ngumiti naman ako sakanya at kinuha yung kamay bago ko nilagay doon 'yong susi at mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero binigyan ko lang ulit siya ng isang ngiti.

"Alis na ako, bye" sabi ko at tinalukuran na siya.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko pero nilingon ko ulit siya at nakita kong papaupo na siya doon sa isang bench. Napansin ko naman ang paparating na mga lalake kaya naglakad ulit ako papalapit sakanya pero pumwesto ako sa medyo malayo sa kinauupuan niya para lang masigurado ko ma walang gagalaw sakanya at mabantayan siya.

Hindi naman siya pinansin nung mga lalake at nilagpasan lang siya kaya nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa pagmumukha pa lang ng mga non ay mukha ng adik.

Umupo naman ako sa isang bench dito at sinamahan siya, mahirap na ang panahon ngayon kaya babantayn ko na lang siya. Ilang oras yata siya nanantiling nakaupo lang at panay ang pagbuntong hininga at tingala sa langit bago siya tuluyang tumayo ng lumubog na ang araw.

Mukhang problemado ang isang 'to. Sinundan ko din siya hanggang sa pag-uwi niya sa condominium niya para masiguradong ligtas siyang makakauwi.

Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa 'go, basta siya hindi ko na talaga alam ang mga pinag-gagawa ko. Ginayuma yata ako ng isang 'yon.

*****

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil kailangan ko mag-exercise pero napahinto naman ako sa may sala ng makarinig ako ng ingay mula sa kusina.

"Gising ka na pala" sabi ni papa na sumilip pa sa pintuan ng kusina.

"Natural pa– ohh joke lang! Hahahahaha hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko–"

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Ikaw talagang bata ka oo. Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Mag-s-swimming pa" natatawa kong sabi kaya kamuntik niya pang itapon sa direksyon ko ang sadok na hawak niya. "Joke lang, maghahanap ng mapapangasawa" sabi ko kaya sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Tanong niya at pumasok ulit sa loob ng kusina.

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya dahil hindi ko naintidihan pero napa 'ahh' ako ng maintidihan ko ang sinsasabi niya.

"Napindot ko lang naman–"

"Ehh bakit mo napindot?" Putol niya sa sasabihin ko kaya napataas ang kilay ko sakanya.

"Dahil nagpagulong-gulong–"

"Hindi 'gan. Bakit nasa IG account ka ni Brielle?" Putol niya ulit sa sinasabi ko kaya literal na napairap ako.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now