๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
Pagkatapos ko malaman ang lahat ng 'yon, agad ko naalala ang mga kaibigan ko.
"Nasaan sina Joaquin? At iyong mga bodyguard na kinuha ko para kay Brielle, galing ba 'yon dito?" Tanong ko na ikinatawa niya ng malakas.
"Hanap mo kami?"
Napatingin naman ako sa may pintuan ng marinig 'yon pero wala namang tao ang pumasok.
"Dito sa laptop oy" sabi ni Gabriel kaya nilingon ko siya at nakita ko ang hawak niyang laptop at nasa scren ang mukha nung tatlong baliw.
"Nasaan ka na? Hinahanap ka na ng mga anak natin" pabirong sabi ni Alejandro kaya itinaas ko ang gitnang daliri ko sakanila dahilan para tumawa sila.
"Pinauwi ko na sila bago pa man sila makarating sa labas ng lugar na 'to" sabi ni papa.
Nag-usap lang kami sandali saka ako nagpaalam.
Binalita nila saakin na kagabi pa pala ako hinahanap nung mga kaibigan ko at buti na lang talaga dahil pinigilan sila ni papa na hanapin ako.
Nasa bahay silang lahat at pinakita saamin nina Joaquin na tulog na tulog ang mga baliw sa may sala.
Naayos na din daw nila iyong tungkol sa balita na nawawala si Brielle pati na sila, sa tulong din ni Cion na siyang nagtatrabaho sa TV network at ni papa. Naglabas na lang sila ng ulat na nasa isang pribadong hospital sila at hindi binanggit kung saang hospital para walang maghanap at pumunta.
Tumayo naman si papa kaya tumayo din kami.
"Puntahan na natin sila dahil mas may importante pa silang sasabihin bukod sa mga napag-usapan natin" sabi niya kaya tumango naman ako.
Sabay-sabay kaming naglakad palabas bago kami naglakad papunta sa taas saka kami pumasok ulit sa isang silid.
"Dito ka na muna" sabi ni papa kay Gabriel bago kami pumasok sa loob.
Naabutan namin sa loob si Brielle, ang dalawang tito niya, si lolo, ang kapatid niya at ang tatay niya.
Pinaupo nila kami at magkatabi sana kaming dalawa ni Michelle sa isang upuan ng hinila ako ni papa at pinaupo sa tabi ni Brielle kaya palihim ko siyang tinignan at nginitian.
"Finally, nakilala din kita" nakangiting sabi ng tatay ni Brielle saakin kaya ngumiti din ako sakanya. "You've done enough for her" simula niya at kinabahan naman ako bigla sa tono ng pananalita niya.
Ilalayo niya na ba saakin si Brielle?
"Chill bro, we won't" sabi nung kapatid niya kaya nagtataka ko siyang tinignan. "I'm Samir Kiro Astrid" pakilala niya habang nakalahad ang kamay sa harapan ko kaya inabot ko 'yon.
Bakit biglang nakangiti 'to ngayon?
"Thank you for taking good care of her" sabi ni lolo habang inaabot saakin ang isang wine glass na may lamang wine.
"Thank you din po sa pagkupkop sa kapatid ko" magalang kong sabi nang kunin ko ang wine glass sa kamay niya.
"Cheers?" Tanong ni Samir
"Cheers" sabi nila kaya nakisabay na lang ako.
Tinignan ko sila at mukhang hinihintay nila akong uminom kaya nag-aalangan naman akong uminom. Mas lumapad ang ngiti nila saakin bago sila uminom kaya nawirduhan ako.
"We'll discuss the other matters tomorrow, for now we'll let you spend time with her" sabi nung tatay ni Brielle.
"We want baby, so we're expecting from you two" malapad na ngiting sabi ni lolo kaya nabilaukan ako sa sarili kong laway at bigla na lang nag-init ang katawan ko dahil doon.