Chapter 28

66 5 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Tinulungan ko tumayo si Brielle at nung lalapitan ko na sana si Dave para turuan siya ng leksyon pero pinigilan ako ni Brielle at siya ang lumapit kay Dave.

"Let me tell you this Dave," sabi niya habang may luha pa rin sa mga mata niya.

Bigla naman kaming may narinig na busina mula sa labas at kasabay non ay ang pagtunog ng serena ng police kaya agad na nanlaki ang mga mata nila. Pero nagpatuloy pa din si Brielle sa sasabihin niya.

"Sinabi ko sa'yo, malinaw na malinaw, na kapag natalo ka. Tapos na tayo, and then you lose, we're done! I don't love you–"

*Pak*

Nabigla naman ako ng biglang sampalin ni Dave sa pisngi si Brielle dahilan para mapaatras si Brielle kaya agad ko sinugod si Dave at sinuntok ng isa sa mukha.

"You moron!" Sigaw ko sakanya pero agad akong inawat ni Colt.

Tinignan ko ang mukha ni Dave at mukhang nagulat din siya sa ginawa niya kaya pakurap-kurap siyang tumingin kay Brielle bago niya tinignan ang palad niya na ginamit niya para sampalin si Brielle.

Nilayo ko naman si Brielle sakanya na hindi rin makapaniwala sa ginawa ni Dave sakanya.

"Let's get out of here" sabi ko nang pumasok isa-isa ang mga pulis na pinatawagan ko kay Flint.

"B-b-brielle" pautal-utal na tawag ni Dave kay Brielle pero hindi siya nilingon ni Brielle at tahimik na kumapit sa braso ko si Brielle, bago kami sabay na lumabas ng bahay na 'yon.

"Anong gagawin natjn sakanila?" Tanong saakin ni Flint ng masalubong namin siya sa labas.

"Hayaan niyo muna silang makulong ngayong araw, mag-uusap-usap kami bukas" sabi ko sakanya kaya tumango naman siya.

"Hey dad! Get them!" Sabi niya sa tatay niya na nasa loob ng bahay.

Anak siya ng pulis and may kapatid din siyang pulis kaya siya agad ang tinawagan ko kanina. Sumakay na kaming tatlo nina Colt sa sasakyan niya at ako pa rin ang nagmaneho pauwi ng bahay.

Binigyan ko din muna ng cold compress si Brielle para sa pisngi niya. Napansin ko din ang ilang pasa niya sa braso kaya hindi pa rin nawawala ang init ng ulo ko kay Dave. Ang sarap pigain ng ulo ng isang 'yon! Paano niya nagagawa ang bagay na 'yon sa babae? At hindi lang basta isang babae ha, si Brielle! Kay Brielle niya ginawa 'yon! Para siyang wala sa katinuan kanina nang sakalin at sampalin niya si Brielle.

"Dalhin kita sa hospital" sabi ko kay Brielle

"No. I'm fine" pigil niya saakin kaya tinignan ko siya ng matagal. "I'm fine" malumanay na sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

*****

Pag-uwi sa bahay nagulat ako ng makita si papa at ang buong team na naghihintay sa labas ng bahay kaya napalunok agad ako.

Bumaba agad ako ng kotse para alalayan si Brielle sa pagbaba. "Are you ok? Kaya mo ba maglakad?" Nag-aalala ko na tanong sakanya.

"I'm fine" sagot niya bago niya inabot ang kamay ko na nakalahad sa harapan niya bago siya bumaba ng sasakyan. "I'm sorry" sabi niya bigla kaya tinignan ko siya.

"It's fine, as long as you're fine" nakangiti kong sagot sakanya.

Actually, I'm a bit sad dahil hindi na ako nakadalo sa race but mas mahalaga ang buhay niya para saakin kaysa sa race na 'yon. May next time pa naman 'ata.

"Akala ko kasi ikaw 'yong nag-te-text saakin kanina. They even ask me to go outside the field and 'cause I thought it's you, and you need something from me, lumabas ako. And that's when I thought that you have name in my contact lists" mahinang sabi niya habang nakayuko kaya huminto ako sandali saka ko ipinatong ang palad ko sa ulo niya saka ko ginulo ang buhok niya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now