๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Eto 'yong kahapon lang?" Tanong ni Shooter habang hawak ang dalawang sobre na hindi pa nabubuksan kaya tumango ako.
Siya na ang nagbukas nung sobre kaya naghintay lang kami na ilapag niya 'yon sa lamesa. "This is so confusing" sabi niya habang kunot noong binaba sa lamesa ang unang sulat kaya kinuha ko 'yon.
"Don't go anywhere no matter what" mahinang basa ko habang nakakunot ang noo.
Nilapag ni Shooter ang isa pa kaya kinuha ko ulit 'iyon. "Happy birthday. My apologies for confusing you but this is the only way to protect her. By using you"
"No matter what was highlighted here and my and protect was also highlighted here. What the heck is this?" Naguguluhang tanong ni Richard.
Tinignan ko lahat ng mga sulat at agad ko na pinagtagpi-tagpi ang mga sulat base sa pinakaunang natanggap ko hanggang sa huling dalawang nakuha ni Jellian kanina.
"Fvck" mahinang sabi ni Shooter ng mapagtanto ang ginagawa ko. "There's a secret message then?" Tanong niya.
Paulit-ulit ko na pinag palit-palit ang mga sulat hanngang sa may mabuo ako ng tanggalin ko 'yong sulat na tungkol sa pagkasunog nung racing field.
"Take her with you mo matter what. Protect my daughter" sabay-sabay nilang basa kaya sabay-sabay kaming nagkatinginan.
"No doubt na si Brielle ang tinutukoy niyang daughter" mahina ko na sabi habang napapaisip ako kung iyong kumupkop ba na ama ni Brielle ang nagpapadala o ibang tao ito na sinasabing anak niya si Brielle?
"When and where do you usually receive these letters?" Seryosong tanong saakin ni Neo.
"Dito sa bahay at tuwing may nangyayareng hindi ko inaasahan o hindi kaya may mangyayare pa lang" mabilis na sagot ko.
"Hindi kaya ang tatay niya ang nagpapadala sa'yo niyan?" Tanong naman ni Red kaya agad akong umiling.
"Ano 'to?" Napalingon naman ulit kami kay Jellian ng masalita siya. "May lamang mga pictures" sabi niya habang nakasilip sa loob ng envelope.
That. Iyan 'yong binigay saakin sa airport before ako makauwi dito.
Kinuha ko 'yon sakanya saka ko kinuha ang mga laman at agad akong nagtaka ng makita ang mukha ni Brielle doon.
Binigay nila saakin ang ibang pictures saka nila nilapag sa lamesa para makita naming lahat.
"Kailan mo nakuha 'to?" Tanong ni Azeri saakin.
"Kahapon" sagot ko bago ko kinuha ang litrato ni Brielle na nakangiting nakaharap sa mga reporters.
"He seems to be watching over you and Brielle, wherever you goes" sabi ni Flint. "But you look really in love here" sabi niya ulit kaya inagaw ko ang hawak niyang picture at agad na kumunot ang noo ko ng makita 'yon.
Eto 'yong araw na dumalaw si Lindsay sa bahay at pinipilit na umuwi si Brielle.
Tinignan ko ulit ang iba pa na litrato at nakita ko din 'yon nag-iisa ko na litrato habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Tinignan ko 'yon ng maayos at bigla ko nakita ang logo ng isang cafe kaya nagkaroon ako ng ideya kung sino ang nagpabigay saakin nito.
"Galing kay Lindsay 'to" sabi ko habang nakitingin sa litrato ko.
Eto 'yong araw na nakita ko siyang may kausap na isang reporter sa isang cafe sa US at hindi ako nagkakamali na si Lindsay talaga ang nagpadala neto.
"He was just trying to expose what was between Brielle and me. It's not important now because everyone will know what's going on between the two of us" mabilis ko na sabi.