Chapter 27

58 5 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Bente minuto pa bago magsimula ang karera at hindi na ako mapakali kanina pa kaya pabalik-balik akong naglalakad sa harapan nina papa, tapos uupo saka tatayo ulit bago maglalakad-lakad ulit ng pabalok-balik.

"Miggy, calm down. What's wrong with you?" Tanong saakin ni papa kaya hinarap ko siya habang kagat-kagat ko ang daliri ko kahit may suot akong gloves.

"I'm just nervous, don't mind me–"

Naputol naman ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya inabot naman nila saakin 'yon. Agad na kumunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Cion, ang reporter ko na kaibigan.

"Ohh, bakit?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Miguel... Miguel this is bad" humihingal niyang sabi kaya agad na kumunot ang noo ko at nahinto din ako sa kakalakad ng pabalik-balik.

Naglakad naman ako palayo kina papa bago ulit ako nagsalita.

"What? What happened?" Tanong ko.

"I got some news... One of the reporter got some tip about Brielle whereabouts now" sabi niya kaya bigla akong napatingin sa labas.

Rinig na rinig ko na ang mga sigawan ng mga tao mula sa labas at kasabay non ay ang pagkalabog na sobrang lakas ng puso ko.

"And then? What?" Tanong ko.

"And the heck! This is terrible, they're going to air it in two minutes. Darn this elevators!" Frustrated niyang sabi at mukhang tumatakbo na siya ngayon.

"Shit" mahina kong sabi bago ako bumalik sa pwesto ko kanina.

"What should I do now? Kapag na i-ere 'yon siguradong susugod si Dave jan. The worst part is... I heard. Miguel, I heard na kakasuhan ka nila ng kidnapping! I think babaliktarin ka nila at kokontrolin nila si Brielle para hindi makapagsalita. Shit!" Sabi niya kaya agad naman akong tumakbo.

"Miguel, where are you going!?" Patanong na sigaw saakin ni papa kaya huminto ako sandali at tinignan sila bago ako tumingin sa sasakyan na gagamitin ko.

What should I do? Importante saakin ang race na 'to at matagal ko nang hinihintay ang araw na 'to. Pero mas importante din ang kaligtasan ni Brielle.

Should I choose between her and my profession?

"Kapag hindi pa ako nakabalik sa loob ng sampung minuto... It's over, tatanggapin ko lahat ng sermon ninyo" sabi ko bago ako napalunok saka tumakbo palabas.

"Hey, boss. What should I do?" Tanong ulit ni Cion mula sa kabilang linya.

"I'll call you back" sabi ko.

"What? Wait–" pinatay ko na kaagad ang tawag saka ko tinawagan si Colt.

"Yow–"

"Leave! Umalis na kayo, isama mo si Brielle. Iuwi mo siya sa bahay ngayon na!" Nagmamadaling utos ko.

"Ano? Teka hindi kita marinig ng maayos!" Pasigaw niyang sabi kaya mas binilisan ko ang takbo ko papunta sa kinaroroonan nila.

Agaw pansin na ang ginagawa ko pero hindi ko na sila pinansin at agad na hinanap ng mata ko si Brielle.

"Boss. Ayan wala na ako sa–"

"Where's Brielle?" Tanong ko ng makita kong wala si Brielle sa tabi ni Ava.

Nasa baba ako ng field habang palingon-lingon at nagbabakasakaling mahagilap si Brielle.

"Nasa cr bossing, bakit–"

Race Of LoveWhere stories live. Discover now