๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Wait lang ha, wait lang. Hayaan niyo akong i-process sa utak ko ang pinagsasabi niyo" sabi ni Jellian. "Ok, so you mean may fiancée ka? At may nangyare kanina at nandoon kayo kanina sa pangyayareng 'yon?" Tanong niya pa.
"I'll tell you the story after, ang importante ngayon ay ang masolusyunan namen 'to" sabi ko.
"What's your plan now, Brielle?" Tanong ni Red kay Brielle kaya napatingin naman ako sakanya, napatingin din siya saakin.
"Bakit ka kukunin, kung fiancée mo naman pala si Dave?" Tanong naman ni Pysche.
"Lumayas siya ng bahay" sagot ni Yvone na ikinatigil nilang lahat kaya napabuntong hininga ako.
Sabing mamaya ko na ikekwento ehh.
"Ok, ikekwento ko na nga ang nangyare" sabi ko at nagsimulang magsalita at nakikinig naman sila ng mabuti.
Simula sa simula sinabi ko sakanila lahat ng nangyare at wala akong pinalagpas na detalye simula ng magkita kami hanggang sa humantong kami sa ganito.
Nang matapos ako tahimik naman silang lahat hanggang sa magsalita si Yvone. "Mas mabuti nang nandito ka muna sa bahay ni Miguel, 'wag ka na munang magbalak na kumuha ng condo dahil siguradong hahanapin at hahanapin ka ni Dave" sabi niya kaya tinignan ko si Brielle.
"Tama naman na umalis ka ng bahay na 'yon kung sinasaktan ka lang din naman nilang lahat" Sabi naman ni Fourth.
"Ngayon alam ko na kung bakit mo siya nilayasan, he's totally a jerk. Hindi ko talaga gusto ang lalakeng 'yon" sabi ni Yvone.
"But the thing is, paano kung maulit muli 'yong kanina? Or baka mas malala pa?"sabi naman ni Vanessa.
Napakurap-kurap naman si Brielle bago napayuko bago hinaplos-haplos ang pusang hawak niya. Bumuntong hininga siya ng sobrang bigat kaya tinignan ko ang mga kaibigan ko.
They're pressuring her ಥ‿ಥ
"Ako na ang bahala kapag nangyare ulit 'yon." Sabi ko sakanila at pasimple ko silang inilingan at sinenyasan na kaya ko solusyunan 'to.
Hindi naman sila umimik pero sinenyasan ako nina Pysche, Red, Jeremy, Yvonne at Jellian na sumunod sakanila kaya nagpaalam muna ako sa ibang kaibigan namin.
"You know that Dave's father is politicians" simula ni Yvonne kaya napabuntong hininga naman ako bago tumango.
"Yeah I know, I did a background check on that guy's family" sagot ko.
"And you know it's to risky to have Brielle, on your side right now? Baka mapahamak ka pa. Hindi titigilan ni Dave si Brielle hanggat 'di siya nakukuha" sabi niya pa.
"I don't care" sagot ko at tinignan siya sa mata kaya napabuntong hininga siya ng malalim.
"We understand you bro, but hanggang kailan mo siya itatago kay Dave? Kahit pa na mali 'yong ginagawa niya kay Brielle, kailangan pa rin nilang mag-usap ng maayos" sabi naman ni Pysche.
"Mahirap na pabayaan ko si Brielle ngayon, ako na ang bahala sakanya. I can handle this, ginusto ko 'to kaya hayaan niyo akong solusyunan 'to. Alam niyo na hindi ko kayang manood na lang, I'm helping her ok" sabi ko sakanila.
"Pero crush mo siya, hindi ba?" Seroyong tanong saakin ni Jellian kaya walang pag-aalinlangan akong tumango.
"I do" sagot ko saka ngumiti. "Don't worry too much guys, hindi niyo ba naaalala na nakapatumba na ako ng tatlong gang noon sa isang araw?" Sabi ko pa bago tumawa.
"Whatever. Tutulong kami sa pag tulong mo sakanya and to keep her safe, syempre nandiyan sina Colt, tutulungan ka ng mga 'yon for sure" sabi ni Jeremy.
"Babalitaan din kita kapag may kaganapan sa mga Fajardo" sabi naman ni Yvonne.