๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
After a month...
"Miguel! Miguel!"
"Kamusta ka naman ngayon, Miguel?"
"Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?"
"Miguel! Miguel! Miguel!"
Huminto naman ako sa paglalakad nang makalabas ako mismo sa pinto. Kababalik ko lang sa Pilipinas at heto na naman ako sa larong question and answer with reporters.
Isang buwan na ang nakalipas at nung isang linggo lang ako nakabalik sa US para ipagpatuloy ang na udlot na race nung araw na nasunog ang buong field kasabay nang pagkawala din ni Birelle noon.
"Isa-isa lang po ha? Mahina ang kalaban" nakangiti ko na sabi sa mga nakapalibot na reporters saakin bago ko tinanggal ang suot ko na sumbrero saka ko sinuklay pataas ang buhok ko.
"Whoa!" Sabay-sabay nilang sabi kaya natawa ako.
"Ako lang 'to ano ba" pabiro ko na sabi sakanila.
"Iba yata ang dala ng hangin sa'yo ng US" sabi ng isang reporter kaya ngitian ko siya.
Iba lang sa pakiramdam na may uuwian ako dito sa Pilipinas at hinihintay ako.
"Naipanalo mo ulit ang karera Miguel, kamusta naman sa pakiramdam na ikaw ulit ang nakauwi nang trophy?"
"Masaya, sobra, akala ko nga hindi na ako aabot sa finish line dahil nagkaroon ng kaonting problema ang sasakyan pero heto, natutuwa ako at naipanalo pa rin" sagot ko.
"Sino ba ang naging inspirasyon mo sa pagsabak sa karera sa US?" Tanong naman ng isa pa.
"Syempre ang team ko at ang mga taong walang sawang sumosoporta saakin, at syempre siya" nakangiti kong sabi.
"Hoy sinong 'siya' iyan? Mukhang may nagpapatibok na ulit sa puso mo"
Ulit. Oo meron ulit pero ngayon, sigurado akong hindi ko na pakakawalan 'to at po-protektahan ko na siya.
"Hahahahahaha" tanging naisagot ko.
"Napanood din namin iyong post mo sa instagram, maraming nabaliw sa nilapag mo na song cover"
"At ang galing mo palang kumanta ha, bukod sa pagiging magaling na racer ang galing mo din kumanta"
"Hindi ba kasama iyong pagiging pogi ko jan? Hahahaha" biro ko at natawa naman silang lahat. "Hindi, marunong talaga akong kumanta"
"Half-half pala ang talent mo" sabi naman nung isa kaya ngumiti ako ng malapad.
"I'm Miguel Vincente Uganiza a full time racer, half singer and half baby niya"
"Hoy!"
"Whoa!"
Sabay-sabay nilang sabi kaya napayuko na lang ako habang nakangiti ng malapad.
"Palabiro ka talaga, Miguel"
Hindi po ako nagbibiro.
"Hahahahaha I'm going now, see you" paalam ko saka naglakad ulit at hindi na nila ako sinundan kaya nakapaglakad na ako ng maayos hanggang sa parking lot.
"Ilalagay na po namin ang mga gamit niyo sa likod ng sasakyan"
"Sige po, salamat" sabi ko.
"Heto po ang susi ng sasakyan niyo" abot naman saakin ng isa pa ng susi kaya nagpasalamat ulit ako.
Papasok na sana ako sa loob ng may lumapit ulit saakin hawak ang isang brown envelope.
"Sir, may nag-abot po saakin neto kanina. Sainyo po nakapangalan" sabi niya sabay abot saakin nung envelope kaya tinignan ko muna iyon habang nakakunot noo bago ko kinuha 'yon saka ngumiti sakanya.