Chapter 57

58 1 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Tinanaw namin ang pag-alis ng mga police at sa unang pagkakataon, para akong nabunutan ng malaking tinik sa puso ko ng marinig lahat kay Tito Jimmuel ang mga sinabi ni papa sakanya bago siya mawala pati na ang ginawa niyang pagbantay saakin simula noong makita niya ako kasama ni Brielle noong ipakilala ako sakanila Brielle.

Naramdaman ko naman ang paghawak ng kamay ni Brielle sa kamay ko kaya tinignan ko siya.

"Its all over now" nakangiti niyang sabi habang halata sa mga mata niyang naiiyak siya kaya yinakap ko siya.

"Its a new beginning for us" pabulong ko na sabi sakanya bago niya mas hinipitan ang pagkakayakap niya saakin.

"Palagi mo tatandaan lahat ng pangaral at habilin ko sa'yo, patawarin mo ako dahil pinili ko lumayo sainyo ng nanay mo. Lumaki ka sanang mabuting bata na may mabuting puso"

Napangiti naman ako kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko ng maalala ko ang sinabi ni Tito na galing pa kay papa.

"Are you feeling ok now?" Tanong saakin ni Brielle habang magkayakap pa rin kami.

"I feel better now" sagot ko at mas siniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya. "Paano mo nalaman na kapatid siya ng tatay ko?" Tanong ko sakanya bago ako lumayo ng kaonti.

"Siya ang nakausap ko sa phone and I insist na magkita kami... he was a good father to me after all, hindi niya lang ako kayang kampihan. Anyway, before she arrived, he already told me everything and he already said na he'll turn themselves to the police but she arrived and took me" sabi niya kaya yinakap ko ulit siya.

"Let's go home" sabi ko.

"Let's go home" sabi niya bago ako hinalikan ng mabilis sa labi saka kami magkahawak kamay na naglakad papunta sa sasakyan ni Samir.

*****

Days passed...

"Wala ka na ngayong takot na makita ang pagmumukha mo sa TV"

Napatingala naman ako ng marinig ang boses ni Colt bago ako ngumisi.

"Tuwang-tuwa ka pa na kaliwa't kanan ka pinag-uusapan at pinag-pe-pyestahan ng mga reporters dahil sa mga nangyare noong nakaraan" sabi naman ni Cion na kakapasok lang sa dressing room ko habang hawak ang laptop niya at nakaharap saamin ang screen.

"Ang gwapo ko jan diba?" Nakangiti ko na tanong ng makita ang mukha ko sa screen ng laptop niya.

"Pagod na ako!" Reklamo ni Cion ng maupo siya sa tabi ko kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"You are a reporter, and hindi ka dapat nagrereklamo dahil direkta saakin nanggagaling ang binabalita mo. Totoo at walang halong chismis" sabi ko kaya inirapan niya ako.

"Ewan ko sa'yo" sabi niya bago nahiga at sinipa ako paalis sa sofa kaya natawa na lang ako. "Kailan ba ang kasal?" Tanong niya kaya bigla ko naalala si Brielle.

"Shit!" Gulat ko na sabi bago ako mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng dressing room.

Naalala ko na papunta pala siya dito at sinabi ko na susunduin ko siya after 15 minutes pero tapos na ang 15 minutes!

"Ehem"

Napalingon naman ako sa gilid at agad ako huminto sa pagtakbo ng makita si Brielle na nakatayo sa tabi ng standee ko.

"Mabuti pa 'to, matyagang naghihitay dito" sabi niya habang nakatingin sa standee kaya agad akong lumapit sakanya saka ko siya yinakap.

"Hindi na mauulit, promise" Agad na sabi ko kaya tumawa naman siya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now