Chapter 14

115 9 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Inalalayan ko maman si twenty nine na mahiga ulit pakatapos niyang magpalit ng damit. Pinahiram ko sakanya 'yong damit ko na sobrang laki kaya ang labas, para siyang nakapasok sa isang sako sa itsura niyang 'yon.

Pinahiram ko din sakanya yung short na binili saakin ni papa na pang babae naman, hindi ko naman siya ginamit.

"May kapatid ka na babae?" Tanong niya paghiga niya.

"Meron" sagot ko bago ngumiti.

"Where she is?" Tanong niya at naging malungkot naman ang mga ngiti ko.

"Heaven" sagot ko na ikinatitig niya saakin.

"Oww, sorry if I ask" sabi niya.

"Ayos lang, ikaw ba? May mga kapatid ka ba?"

"Wala" sagot niya kaya tumango-tango naman ako.

Natahimik kaming dalawa at medyo ramdam ko na hindi siya komportable kaya tumayo ako.

"Magluluto lang ako ng pananghalian, gusto mo ng may sabaw?" Tanong ko sakanya at ewan ko ba at hindi na ako makatingin sakanya ng maayos.

Bakit ba ang ganda at cute niya pa rin sa itsurang 'yan!?

"Ahh no, magpapadala na lang ako ng pagkain dito" sabi niya kaya doon ako napatitig sakanya at nginiwian siya.

"Seryoso ka?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Uhm... yes?" Sagot niya sabay iwas ng tingin saakin kaya napabuga ako ng hangin. "N-n-nakakahiya" halos pabulong niyang sabi ng hindi tumitingin saakin.

"Aba nahiya ka pa, sabi mo dito ka muna kaya kapag magluluto ako syemre isasama ko na 'yong pagkain mo, alangan naman na ako lang ang kakain?" Sabi ko.

Umupo naman siya sa kama bago inabot 'yong bag niya saka siya tumayo at naglakad papunta sa may pintuan.

"Oh saan ka na pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Nahihiya nga ako, uuwi na lang siguro ako, kaya ko naman" sabi niya kaya sumunod ako sakanya.

Napakamot na lang ako sa batok at natawa ng konti at sinundan na lang siya pababa.

"Ihahatid na kita–"

*Ding* *Dong*

Naputol naman ang sasabihin ko ng biglang may magdoorbell kaya sinenyasan ko si twenty na ako na muna magbubukas.

"Brielle get out from this house!" Sigaw ng pamilyar na boses at kasabay nun ang pagkalabog ng gate ng bahay ko. "Fvck! Brielle!" Sigaw niya ulit ng tuluyan na akong nakalabas sa pintuan ng bahay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo na tanong kay Dave na pawis na pawis ang buong mukha.

"Ilabas mo si Brielle!" Galit niyang sabi saakin pero walang reaksyon ko lang siyang tinignan.

"Bakit ko gagawin 'yon–"

"I'm his fianceé! So ilabas mo si Brielle ngayon din" putol niya sa sasabihin ko. Napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ang pagbukas sarado ng pintuan. "Oh god! Brielle, honey, please umuwi ka na. I miss you" pakiusap ni Dave sakanya.

Tinignan ko naman si twenty nine at napadako ang tingin ko sa kamay niyang nanginginig at pati mukha at labi niya namumula kaya nag-alala ulit ako.

"Kaya mo?" Pabulong kong tanong sakanya kaya tinignan niya naman ako.

"Sorry" sabi niya saakin bago tinignan si Dave. "We're done Dave, 'wag ka na babalik dito dahil hindi na ikaw ang pakakasalan ko" matapang niyang sabi kay Dave.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now