๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Is this him?"
"Probably?"
"Look at his face"
"Yeah, it's the same with mine"
*Pak*
"Don't be too full of yourself, buddy"
"But look at him, he look cool in this clothes"
Nagising ang diwa ko sa mga taong naririnig ko na nagsasalita malapit saakin at meron pa na humahawak sa damit ko, bago ko tuluyan naimulat ang mga mata ko.
"Hey, he's awake"
Pagdilat ko, nakita ko ang tatlong lalaki sa harapan ko.
"Sino kayo?" Tanong ko bago ko iginala ang mata ko sa paligid saka ko sinubukan igalaw ang katawan ko pero ramdam ko ang higpit ng pagkakatali sa paa at kamay ko.
What the fvck.
Sinubukan ko makawala pero bigla akong hinawakan nung dalawang lalaki sa magkabilang balikat ko at 'yong isa naman ay tumayo ng maayos bago tumalikod saakin.
Paglakad niya palayo saakin, saka ko nakita ang napakaraming lalaking nakaitim sa harapan ko. May tatlong lalaki na nakaupo sa hapar ng mga naglalakihang lalaki, iyong isa ay matanda na at nakasuot ng eyeglasses na siyang nasa gitna nung dalawa. Iyong dalawa naman sa magkabilang gilid nung matanda ay mukhang nasa 40s na.
"He's awake everyone!" Masiglang sabi nung isang lalaki na kausap kanina netong dalawang lalaki sa gilid ko.
Kinabahan naman ako bigla nung sabay-sabay silang tumingin saakin lalo na iyong tatlong lalaki nakaupo. Tinitigan nila ako na parang bawat parte ng katawan ko ay sinusuri ng mga mata nila.
"What are you two standing there for?" Seryosong tanong nung matanda.
"Why? We can't?" Painosenteng tanong nitong nasa kaliwa ko.
"Umalis kayo jan" sabi nung matanda kaya nagdadabog na umalis etong nasa kaliwa ko habang pailing-iling na tumatawa naman iyong isa.
"Sino kayo?" Seryosong tanong ko sakanila.
Kinakabahan lang ako pero hindi ko alam kung bakit sobrang kampante ko kahit ang dami nilang nakatingin saakin.
"Oh! Let him guess!" Excited na sabi nung lalaking nasa kanan ko kani-kanina lang
"Quiet" seryosong sabi nung matanda habang matalim ang tingin sakanya. "Why did you bring these kids here?" Namomroblema niyang sabi habang napapahilot sa ulo.
Ako naman ay nanonood lang sakanila at gulong-gulo na kung bakit nandito ako. Tinitigan ko ang talong lalaki na nakaupo sa harapan ko at napapaisip ako dahil may kamukha sila.
Tinignan ko sa mata ang matandang lalaki at naaninag ko ang kulay ng mga mata niya kaya biglang naging pamilyar eto sa paningin ko.
Its blue.
"Kayo ba ang kumuha kay Brielle?" Tanong ko dahilan para bigla silang tumingin saakin na pati kaluluwa ko ay nakikita na nila.
Well I'm not afraid though.
"Why do you think so?" Tanong saakin nung matanda kaya palihim akong ngumiti bago mabilis na yumuko saka ko ibinalik sa seryoso ang mukha ko.
"Hindi niyo naman maitatago na may connection kayo kay Brielle" sabi ko dahilan para tumawa ang matanda. "I mean by blood, I guess?" Kibit balikat ko na sabi.
"You are smarter than I think. Don't you agree?" sabi niya bago lumingon sa dalawang katabi niya.
"Hm" sagot nung isa ng hindi inaalis ang tingin saakin.