๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Miguel! Miggy!" Rinig kong tawag saakin nina Jeremy mula sa labas ng kwarto ko kaya napadapa ako sa kama ko at isnubsob ko pa ang mukha ko sa unan pero sunod-sunod na katok ang narinig ko.
"What!? What do you want!?" Naiinis kong sabi dahil gusto ko talagang tumihaya lang dito sa kama ko.
Pagod na pagod pa ang katawan ko dahil sa ilang oras na kauupo ko habang nasa competition habang umiikot sa field plus may jet lag pa ako.
Gabing-gabi na din at wala talaga akong ginawa maghapon kundi ang matulog. Dala na din siguro nung ilang araw na hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa paghahanap ng trace sa kapatid ko. Hindi din ako natulog noon pagbalik ko dito sa pilipinas ehh.
"It's party time!" Sigaw nilang lahat kaya napakamot na lang ako sa ulo bago ako gumulong pababa sa kama.
"Pesteng mga 'to oo" reklamo ko bago ako tumayo para pagbuksan sila. "Sa susunod talaga lalagyan ko na ng kuryente ang bakod ng bahay ko" sabi ko habang nayayamot na kinakamot ang baba ko.
Wala naman akong pinagbibigyan sakanila ng susi ng gate ng bahay ko at paniguradong umakyat na naman si Colt sa bakod para mabuksan ang gate at paniguradong kasama nila sina Yvonne dahil siya lang naman ang magaling sumira ng door knob.
"Tara na! Let's get the party started baby!" Hyper na sabi ni Colt habang may hawak pa na wine.
"Sabi ni tito, dito mo na lang daw itutuloy ang party kaya nandito na kami" sabi naman ni Jelal kaya napairap na lang ako. "Nasa baba na din ang buo mong team, let's gaur!!" Sabi niya pa bago nila ako hinila pababa kaya wala na akong nagawa kun'di ang magpahila sakanila.
Pagbaba na pagbaba ko, punong-puno ang sala dahil nandito nga silang lahat kaya napahilot na lang ako sa sintido.
"Here" abot saakin ni Richard ng isang wine glass bago niya 'yon sinalinan ng wine na inagaw niya pa sa kamay ni Jelal. "Cheers for another win, Migs" nakangiti niyang sabi kaya nakipag toss naman ako ng baso sakanilang lahat.
Naging maingay ang buong bahay kaya ng makainom ako ng ilang basong wine, medyo tinatamaan na din ako kaya naging hyper na din ang buong katawan ko.
Yung bahay ko parang naging club nung sinabit nila yung disco ball sa dingding saka nila pinatay ang ilaw. Ang kukulit! Nagpatugtog din sila kaya sayaw doon, sayaw dito ang ginawa nila samantalang nanatili lang akong nakaupo habang ninanamnam ang iniinom ko.
"Yeah! Wotwot!"
"This is party! Ohh yeah!"
"Oh yeah! Oh yeah!"
Natawa na lang ako habang pinagmamasdan ko sila dahil may nagiging rockstar, pianist, drummer at singer pa sakanila habang sinasabayan ang music.
Pero sa kalagitnaan ng pag-iingay nila, biglang umalingawngaw sa buong bahay ang tunog ng doorbell kaya natigil sila sa kasisigaw. Tumigil din sila sa pagsayaw bago sila isa-isang tumingin saakin kaya tumayo naman ako para pagbuksan ang taong 'yon.
"Who's there!?" Pasigaw ko na tanong ng buksan ko ang pinto.
Pero wala namang sumagot kaya bumaba ako para makalapit sa may gate. "Who's–" natigilan naman ako sa pagsasalita nang pagbukas na pagbukas ko sa gate, nakita ko kaagad ang taong bagong dating.
"Hi?" Patanong niyang bati pero nanatili akong nakatitig sakanya.
Napakurap-kurap muna ako bago ko kinusot ang mata ko dahil baka lasing na ako at nag-ha-hallucinate na dahil nakikita ko si Brielle sa harapan ko ngayon.
"Is that you?" Kunot noo ko na tanong bago ko bahagyang sinundot ang pisngi niya sa kaliwa.
"Y-yah" sagot niya kaya parang automatic naman na nawala ang tama ng alak saakin saka ako tumikhim.