Chapter 21

77 7 0
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Bago ako tuluyang pumunta sa airport, dinaanan ko muna si Colt sa bahay niya dahil ang loko ay sasama saakin.

Pinindot ko ng magkaka-sunod ang doorbell ng bahay niya at naasiwang napakamot sa leeg ko bago sunod-sunod na kinatok ang gate niya.

"Hoy! Colt Miller Rodrigueza, lalabas ka jan o lalabas ka jan?" Sigaw ko mula dito sa labas.

"Teka lang! Teka lang, boss" sabi niya mula sa loob kaya nailagay ko ang dalawang kamay ko sa bewang at kunot noo siyang hinintay na lumabas.

"Bilis!" Asik ko dahil ang bagl-bagal niyang gumalaw.

"Heto na, heto na nga–" natigilan naman siya ng makita ako at mas lalong kumunot naman ang noo ko ng makita ang itsura niya

"Ano 'yang suot mo?" Kunot noo kong tanong saka ko tinignan ang suot ko. "Anak ng pusa ka naman Colt, nagmumukha akong bodyguard mo sa hitsura mong 'yan" sabi ko ulit sabay tingin sa kabuuan niya at pailing-iling siyang tinignan.

"Bakit? Ayos naman boss ahh?" Nakangiti niyang sabi at pinagpagan pa ang balikat niya.

Nginiwian ko lang siya bago naglakad papasok sa kotse ko. "Para ka namang dadalo ng kasalanan, pumasok ka na nga!" Sabi ko bago pumasok sa driver's seat. "May kotse ka naman, at talagang saakin ka nag-pasundo ano?" Sarkastikong sabi ko.

"Ehh sayang sa gas, tara na, ang dami mong daldal" sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Baka gusto mong masipa palabas, umayos ka" masungit kong sabi sakanya pero tinawanan niya lang ako.

"High blood na high blood, sinungitan ka na naman ni bossing ano?" Pang-aasar niya.

Binuhay ko naman ang makina ng sasakyan ko bago ito pinatakbo papuntang airport. "We're good" sagot ko sakanya.

"Ohh bakit mukhang masama ang timpla ng mukha mo ngayon boss? May nangyare ba?" Tanong niya.

"It's about Dave, gagawin niya talaga ang lahat makuha lang si Brielle" seryoso kong sagot.

Narinig ko naman ang malalim niyang buntong hininga at ilang minuto siyang natahimik bago nagsalita. "Boss," sa tono pa lang ng pananalita niya alam ko na ang sasabihin niya kaya mabilis ko siyang tinignan ng seryoso. "Sabi ko nga hindi ko sasabihin na kausapin mo ng masinsinan si Brielle, para kausapin ang mga magulang niya pati na si Dave para tigilan siya" sabi niya.

"It's not easy like you think, Colt" sabi ko sakanya.

"Yah, I know but... But hayy. Anyway she's in the right age to decide whatever she want to do in her life so I'll keep quiet na lang" sabi niya bago pabuntong hininga na sumandal sa upuan. "It's just that, baka maulit ang dati, Miguel" seryosong sabi niya kaya mahina din akong napabuntong hininga.

"Hindi na mangyayare 'yon, sinisigurado ko 'yan" sagot ko sakanya.

"It's a different situations now Miguel, alam mong maraming pwedeng gamitin ang pamilya ni Dave laban sa 'yo" sabi niya pero hindi ko siya sinagot dahil wala akong pakialam. "Hindi talaga sila titigil hanggat hindi nila nakukuha si Brielle mula sa 'yo" lahat ng sinasabi niya ay lumalabas din sa kabila kong tenga.

The hell I care. Hindi anak ang turing nila kay Brielle, at hindi rin pagmamahal ang naibibigay at naipaparamdam ni Dave sakanya. It's a damn torture! And that's not how you treat a woman.

Daldal lang ng daldal si Colt habang seryoso akong nagmamaneho hanggang sa makarating kami sa airport. Lumapit saakin ang isang lalakeng naka suit kaya ibinigay ko naman sakanya ang sasakyan ko bago kami naglakad ni Colt papasok.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now