Chapter 30

113 7 5
                                    

๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑

Pagdaring namin sa bahay, agad na inayos ni Brielle ang mga gamit niya kaya tinulungan ko na siya saka namin binaba sa may sala ang mga bagahe niya.

"Sigurado ka ba talagang sasama ka na sakanila?" Tanong ko sakanya habang magkaharap kami malapit sa may pintuan.

"Aalis na siya?" Rinig ko na tanong ni Colt mula sa may kusina kaya sunod-sunod naman lumabas sina papa papunta saamin.

"Aalis na po ako, thank you po" sabi ni Brielle kay papa saka nagmano sakanya.

"Mag-iingat ka iha ha. Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang saamin ha" sabi naman ni papa sakanya kaya tumango naman si Brielle bago ibinalik ang tingin saakin.

"Ihahatid na kita sa labas" sabi ko bago ko hinila ang dalawang bagahe niya palabas ng bahay.

Nasa labas na sina Dave at Lindsay at alam ko na naghihintay na sila. Tch, hindi ko pa rin talaga pinagkakatiwalaan ang dalawang 'yon.

"Hey" tawag saakin ni Brielle kaya nilingon ko siya bago ako huminto sa paglalakad. "Thank you" nakangiti niyang sabi kaya inirapan ko siya. "What? Hahaha 'wag ka ngang ganyan" sabi niya pa kaya binitawan ko muna ang mga bagahe niya bago ako lumapit sakanya.

"Hindi ba pwedeng mag-stay ka na lang dito?" Tanong ko sakanya kaya nawala naman ang ngiti niya.

"What happened to you? Nag-usap pa lang tayo ahh" sabi niya.

"Tch, 'yon na nga. Ako etong nagsabi sa 'yo na kausapin sila at tatanggapin ko kung ano man ang desisyon mo, pero kasi hindi ko pa rin pinagkakatiwalaan ang dalawang 'yon" sabi ko.

"I'll be fine, don't worry" sabi niya.

"Saakin ka na lang kasi" sabi ko na ikinatigil niya kaya napatitig lang din ako sakanya bago ako nagsalita ulit. "Babawiin kita kay Dave, hindi mo naman siya gusto diba? What if ipagpilitan pa rin kila na ikasal sakanya? Paano ka?"

"Miguel, easy. I know you're worried but I have to do this, hindi naman p'wedeng manatili na lang ako sa tabi mo. Masyado na akong naging problema sa 'yo–"

"Sino nagsabi sa 'yong problema ka saakin–"

"Me. Aayusin ko muna ang problema ko nang hindi ka dinadamay hmm?" Putol niya sa sasabihin ko kaya napabuntong hininga ako saka ko siya mabilis na niyakap.

"Pero willing ka sumama saakin kapag na ayos na ang lahat?" Tanong ko sakanya.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero gusto ko talagang manatili siya sa tabi ko. Gusto ko nga siya pero wala naman akong magagawa kung ayaw niya naman saakin tch.

"I am" sagot niya kaya yumuko ako para makita ang mukha niya.

"Totoo?" Tanong ko kaya nakangiti naman siyang tumango. "Kahit na kunware, ituloy nila ang kasal ninyo, sasama ka saakin?" Tanong ko pa dahil hindi malabong mangyare nga 'yon.

"Hmm. Whatever and whenever you want, sasama ako sa 'yo, alam mo kung bakit?" Sabi niya kaya lumayo naman ako ng konti sakanya bago ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi gamit ang mga palad ko.

"Bakit?" Nakangiti kong tanong sakanya.

"I feel safe with you" sagot niya kaya nakagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang ngumiti ng malapad.

"Sabi mo 'yan ahh" kunwareng nagtatampo-tampuhan ko na sabi pero ang totoo tuwang-tuwa ako sa sinabi niya.

"Hmm, tara na" sabi niya kaya sabay aman kami naglakad papunta kina Dave habang hila-hila ko ang mga bagahe niya.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now