๋࣭ ⭑🏎️ ๋࣭ ⭑
"Woah! What was that!? Is there something wrong with Miguel?" Nag-aalalang tanong ng announcer.
"Are you ok?" Rinig kong tanong ni papa mula sa earpiece kaya agad naman akong natauhan at nasa competition pa pala ako.
Hindi ko na siya sinagot at mabilis na pinaikot ang sasakyan ko bago ako humabol sa ibang sasakyan habang tiim bagang ang ekspresyon ng mukha ko at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela at kambyo ng sasakyan ko.
Hindi na sana ako lumingon pa.
Mabilis ko tinapos ang natitirang limang laps na meron ako at simula nung i-anunsyo ang pagkapanalo ko at pagbigay ng trophy saakin, wala ng reaskyon ang mukha ko at hindi na ako nagtagal sa harapan ng media dahil tinalikuran ko na silang lahat nang matanaw ko sa malayo sina Dave na papalapit saakin.
"Oh, 'yong trophy mo" abot saakin ni papa pero nilagpasan ko lang siya bago ko binuksan ang zipper ng pang-itaas kong racing gear at hinubad 'yon saka ko eto isinaklay sa balikat.
Tanging manipis na race t-shirt na lang ang natira sa pang-itaas kong katawan. "Gusto ko ng umuwi ngayong hapon" sabi ko kay papa habang nakasunod saamin ang buong team.
"Huh? Nag-ayos pa naman ng celebration–"
"Sa bahay na ituloy 'yon. Ayoko na magtagal dito" putol ko sa sasabihin niya habang mabilis na naglalakad.
"Sige. Pero ayos ka lang ba?" Tanong niya.
"I'm perfectly fine" diretso kong sagot bago ko binuksan ang pintuan ng van namin saka ako pumasok doon.
Habang nasa van kami nina papa, panay ang tunog ng telepono niya kaya napapakamot na lang ako sa tenga dahil naririndi na ako sa paulit-ulit na ring ng cellphone niya.
"Interview" sabi agad ni papa ng mapansin niya na naiinis na ako.
"Sabihin mo masama ang pakiramdam ko–"
"Kailangan mo pa rin magbigay ng kung anong mensahe tungkol sa pagkapanalo mo" putol niya sa sasabihin ko kaya napabuntong hininga ako bago ko nilahad ang kamay ko sakanya.
"Magre-record ako" sabi ko kaya agad niya namang binigay saakin ang cellphone niya kaya sinabihan niya ang mga kasama namin dito sa van na 'wag maingay.
Pagkatapos ko magrecord, bumalik sa pag-ta-type sina papa kaya umidlip na lang ako sandali. Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang marahang pagtapik saakin ni papa.
"Magtanghalian na muna tayo bago dumiretso sa airport" rinig kong sabi niya kaya umayos na ako ng upo bago ko kinusot ang mata ko.
Pagbaba ko sa sasakyan agad na nahagip ng mata ko ang nakaside view na katawan at mukha ni Brielle at Dave mula sa loob ng isang restaurant kaya agad akong natigilan.
"Bakit nandito 'yan?" Agad na tanong ko kay papa bago ko siya tinignan.
Kumunot naman ang noo niya bago niya tinignan ang tinitignan ko kanina. "Aba malay ko. Nagpareserve lang ako dito para dito na tayo kumain" sabi niya kaya agad akong tumalikod.
"Sa iba na lang tayo kumain–"
"Huwag mo akong artehan. Kung ano man ang problema sa pagitang ninyo, ayusin niyo, 'wag mo kaming idadamay dahil gutom na din kami" putol niya sa sinasabi ko kaya nginiwian ko siya. "Sige, bahala ka ikaw din magugutom" sabi niya bago ako iniwan.
"Aish" sabi ko bago ako sumunod sakanya.
Naagaw ko ang pansin nila pagpasok ko pero nagkunware ulit ako na hindi ko sila nakita bago ako pumwesto sa upuan kung saan nakatalikod ako sakanila.