TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
The Prince of the House
JAMMY
18 YEARS LATER
MIGUEL WILLIAM FERNSBY, my grandfather, advised me to relocate and return to this country in order to avoid the scandalous tales my former classmates had spread after the incident. Therefore, I decided to return to my motherland, Philippines, one week after that tragic catastrophe occured, which claimed the lives of my closest friends.
Buntong hininga kong kinuha ang mga gamit ko sa luggage compartment ng eroplano matapos nitong makapag-take off nang maayos dito sa NAIA Terminal one. Labag man sa kalooban ko, kailangan ko itong gawin para sa aking kapakanan at ngalan ng M&A International — ang umuwi ng bansa at takasan ang naganap na trahedya sa aming magkakaibigan.
Lolo had successfully brought our company on top tier businesses globally, kung kaya naman ang masangkot sa isang iskandalosong insidente ay isang banta sa pagbagsak ng katanyagan ng aming kumpanya.
Nang makaapak ako sa sementadong sahig ng paliparan ay humugot muli ako ng isang malalim na paghinga. “The breeze of air that this country has — I missed it so much,” sambit ko sa sarili habang ninanamnam ang simoy ng hangin.
Habang namamayani ang galimgim sa aking sistema at naglilibot naman ang aking paningin sa kabuoan ng paliparan ay 'di ko namalayan ang isang lalaking tila sumali sa marathon kung maglakad. Kaginsa-ginsa, ay nakabunggo ko ito na nagdulot ng biglaang pagkawala ng aking balanse at nagpaupo sa akin sa sahig.
Sa kabilang banda, ang lalaking nakabunggo ko ay tila walang pakialam na bumagsak ako sa harapan niya — iniwan na lamang niya ako sa aking kinauupuan. Ni hindi man lang niya ako nagawang lingunin upang alamin ang kalagayan ko.
The intimidating aura of this towered man was evident. Napalunok na lamang ako ng laway nang magpanagpo ang tingin namin sa isa't-isa. Ang tila nagbabaga niyang mata ay nakakatakot at ang kanang bahagi nito ay may pilat na tila nahiwa ito nang malalim noon.
Sopistikado itong manamit, pormal, at disente na tila makikita mo lamang ang mga gaya niya sa mafia movies. Ang kanyang malalim na mata ay mas lalong nagbigay buhay sa villain-like figure nito.
However, the nerve of this man was overwhelming. Walang manners, at 'di marunong humingi ng paumanhin!
Balak ko sana siyang sigawan, habulin, at paghingiin ng dispensa, subalit, naisip ko, wala ring kahahantungan kapag ginawa ko iyon. Ang mga taong tulad niya ay hinding-hindi hihingi ng dispensa, lalo na ang mga tulad niyang mukhang sopistikado at mataas ang pinag-aralan.
Ibinalik ko na lamang ang atensiyon sa paglalakad matapos akong makatayo. I wonder who's this Lorena who will be fetching my arrival.
Ilang minuto pa ang lumipas, habang patuloy na tinatahak ang daan patungong arrivals, ay sinalubong ako ng isang babae. Sa tingin ko'y nasa mid-40s na ito. Mayroon itong lulan-lulang card board at nakasulat rito ang buo kong pangalan.
“Hi, Jammy!” Masiglang ngiti ang isinalubong nito sa'kin nang malapitan ko siya. “Anlaki-laki mo na! Alam mo ba, napakaliit at nakapa-CUTE mo pa noon?” saad nito nang may buong galak. Binigyang diin pa niya ang salitang “cute” sa kanyang mga kataga.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...