TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Guardian Angel
JAMMY
Minulat ko ang mata ko. Shit! Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?
Sa pagkakaalala ko, nakakita ako ng iskeleton, tapos binasa ko ang nakasulat sa dogtag na nakasukbit — it was Rommel! The real Rommel. Then napansin kong walang imik si Denver, but then I found out that he's not around. And then… an then someone hit me at the back of my head. Aray! Ansakit talaga!
Tumingin ako sa gilid ko, nakita ko roon ang 'di ko kilalang lalaki. Bugbog sarado ito at pawang naka-boxer shorts lang. Who's this. And why he is here?
Where's Denver?
Oh, he's there on the other side.
“Denver!” Mahina ko itong tinatawag upang di malaman ng kung sino man ang nagdala sa'min rito na nagkamalay na ako.
Ilang minuto ko ring sinusubukan siyang gisingin.
“Denver! Gising!” patuloy ko.
Sa wakas ay dumilat na ito. “Where are we?” tanong nito sa'kin.
“We're still in the cave,” sagot ko rito. “It's Rommel. The Rommel we have met in the mansion wasn't the real Rommel. Matagal nang patay si Rommel,” dagdag ko.
“I knew it! All of those shits in the mansion, they used fake identity. Even the driver who brought us here,” tugon ni Denver habang sapo nito ang ulo. Tila sa ulo din ito inatake upang patulugin.
Napansin kong parang andaming baul sa paligid. Ano naman ang laman ng mga 'to.
Isa-isa kong ininspkesyon ang laman ng mga baul. Samu't-sari ang mga laman nito. Ang ilan ay naglalaman ng mga sinaunang baril at iba't-ibang sandata ng mga hapones. Ang ilan naman ay ginto, pilak, at iba pang kayamanan.
“Sa tingin ko may hinahanap sila, matagal na. At sa tingin ko, narito lang yun sa ilalim ng dagat,” saad ni Denver. Tinignan din pala niya ang ilang baul.
“Pano tayo makakalabas dito? Wala akong makitang exit,” tanong ko kay Denver.
Tumingala ito at itinuro ang maliit na butas sa kisame sa parteng ito ng kweba. “Ayun ang exit.” saad niyang bumagsak pa ang mga balikat.
“Teka! Pano naman tayo makakaakyat diyan? Masyadong mataas,” reklamo ko.
“Walang paraan,” mabilis nitong sagot. “Sa tingin ko, sa ganitong paraan din namatay ang mga bangkay na 'to rito,” dagdag nito saka itinuro ang ilan pang mga kalansay sa paligid.
“Hindi kaya… sila ang mga totoong nakatira sa mansyon?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...