Chapter 8: Way of Mikael

27 9 1
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Way of Mikael


JAMMY

Ahh! Yun ba? Yung may mga blood stains galing kay Martin na pinatay mo, hindi ba, Mikael?!” mapanlokong ani ni Denver sa lalaki. “Pasensiya na, ha. Kinuha na kasi ni Austin yun at sa mga oras na 'to, hawak na yun ng mga pulis.” Pinintahan ng nakalolokong ngisi ang sariling mukha ni Denver na lalong nagbigay galit kay Mikael.

“Magbabayad ka!” sigaw nito saka sumugod palapit kay Denver.

Nang makalapit si Mikael kay Denver ay bigla na lamang itong nangisay at bumagsak. May hawak palang tazer si Denver. Matapos niyon ay sumenyas ito sa isang partikular na direksiyon.

Doon ay lumabas ang mga pulis kasama si Austin. Bago pa man makalapit ang mga pulis upang dakpin si Mikael ay agad itong tumayo at itinulak si Denver dahilan upang matumba ito sa'kin. Umilag naman ako upang 'di ako madamay.

“What the f*ck!” inis nitong sabi at sinamaan ako ng tingin. Tumayo ito at nagpagpag ng uniform.

Pinanood lang namin na makalayo si Mikael. Well, hindi rin naman talaga siya makakalayo dahil iisa lang ang daanan palabas sa loteng ito.

Sa kabilang dako ng lote ay nakaabang na sa kaniya ang ilan pang pulis. Ayon kay Denver, sa palagay niya, may iba pang kasama si Mikael.

Lumapit sa'min si Austin at tinanong naman ito ni Denver. “Kamusta? Na-trace niyo ba kung sino ang tinawagan ni Mikael bago niya patayin si Martin?”

“Oo, pero ito na lamang ang nadatnan namin sa lugar.”

Iniabot nito ang sealed plastic bag na naglalaman ng sunog na smart phone.

Habang ini-inspect ni Denver ang smart phone ay muling nagsalita si Austin. “I guess, professional ang taong yun upang makatunog na matetrace natin siya,” naglakad ito paalis at sa di kalayuan ay huminto. Muli itong lumingon kay Denver bago magsalita. “Sa tingin mo ba involve parin dito si Zero?”

Hindi na hinintay ni Austin ang isasagot ni Denver. Bagkus ay tumuloy lang ito sa paglalakad palabas ng site. Kami naman ay sumunod na kasabay nina Inspector Tan matapos iabot ni Denver sa kanya ang hawak nitong flash drive. Sa labas ay natanaw kong pinoposasan na si Mikael at isinakay na sa police mobile.

“So… do you mind if you explain to me everything? Masyado mo 'kong binibitin sa mga nangyayari. I am badly curious,” ani ko habang inoobserbahan ang ginagawa niyang pagkalikot sa laptop nito. Narito kami ngayon sa loob ng malaking van na may mga equipments for monitoring such as computers and other stuff.

“Swerte mo, may copy ako ng surveillance camera,” nakangiti nitong sabi sabay kindat sa'kin. Napakunot naman ako ng noo at napairap sa ginawa niya. That's not cool for me if he haven't asked. “Wag kang maingay, ha. They didn't know I made a copy of it. You know, it's illegal,” dagdag pa nito then made a winky face.

“Blahh, blahh, blahh. Just cite what you knew,” tamad ko namang sagot.

“Well, Mikael planned murdering Martin so well and detailed. One month ago nang bilhin niya ang hoody jacket at bag para paghandaan ang plano niya. Ginawa niya yun para 'di mapansin na may binabalak siyang masama. Isa pa, kahit na may sariling pamilihan ang campus, mas pinili niyang sa labas bumili para mas untraceable ang evidence for him. But, luckily, I have Austin para pagkatiwalaan sa bagay na 'to. Which only proves that Austin really came from forensic experts family. He managed to trace down where and when the jacket and bag were bought,” pagsisimula nito.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon