TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Transferees
ANONYMOUS
Naghahanda na 'ko sa pag-alis. I will be going to Mnemosyne. Kung tama nga si madame, I must protect Jammy in to the extent of my capabilities. I must protect her at all cost. She's the lost treasure of madame. At hindi maaring manatili pa siya sa mga Fernsby. She's in danger!
“I promise I will protect you from Miguel. I promise!”
°°°°°°°
JAMMY“Jammy! Gising! Gising! Bilisan mo!” todo tili ni Eloise habang bayolenteng niyuyugog ang aking braso.
“Wait, just five more minutes please,” protesta ko saka gumulong at dumapa sa aking kama. Kinuha ko pa ang isa kong unan para itaklob sa ulo ko.
“Jammy naman, eh! Alam mo bang may tatlong transferees na magiging classmate natin ngayon? And guess what? Sobrang gwapo nila! I mean, super! Wahh! Wala kasi kayo kahapon ni Denver, e. Pero inanunsiyo 'yon ni Ma'am Castro kahapon!” excited nitong wika.
“So, ano naman? I'm not interested. Buti sana kung magpapakopya ang mga yun during exam,” tamad 'ko namang tugon.
“Hayy! Bahala ka! Kahit kailan talaga, Jammy, kill-joy ka!” inis nitong sabi saka tumayo at lumabas na ng room ko. 'Di ko na lamang pinansin ang pagmamaktol nito bagkus ay itinuloy ko lang ang naudlot kong pagtulog.
Hindi ako pumasok ng morning class dahil tinatamad ako. I'm really tired. I guess, I need energizers to survive. Bakit feeling ko bumabagsak ang immune system ko? Arghh!!!
Dahil katutunog lang ng bell para sa lunch break, at kakakain ko lang naman, nagdecide akong magpunta sa soccer field upang magliwaliw.
Doon ay nakita ko sina Denver, Austin — Thyke, classmate rin namin sa Business Ad — na naglalaro ng soccer. Sa kabilang koponan naman ay mga 'di pamikyar na tatlong lalaki. Pero parang pamilyar yung isa. No, no, no! I mean, yung dalawang lalaki pala ang pamilyar ang mukha!
Dahil sa labis na kuryosidad, tumayo ako't nagtungo sa gitna nila. Nilapitan ko ang dalawang lalaking pamilyar ang mukha.
“Hoy, Jammy! Ano bang ginagawa mo?” sigaw ni Denver mula sa likod ko. Ramdam ko ang pagtaas ng salubong nitong mga kilay.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglapit. Habang mas nakakalapit ay parang mas ayaw kong maniwala sa naaaninag kong mukha.
Hindi totoo to!
Hindi talaga pwede!
This will be my doomsday if ever.
“Andy?!”
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...