Chapter 10: Battle of Brains

19 8 2
                                    

Battle of Brains



JAMMY


“Narito ang mechanics para sa ating palaro ngayon. Bawat estudyante ay may kalayaang mamili ng kung sino ang magiging kagrupo nila — ang grupo ay binunuo ng limang miyembro. Maaring magrecruite ng member mula sa iba pang section as long as willing itong sumali sa grupo na nais mong buoin. Maari na kayong tumayo at magrecruit ng kagrupo for twenty minutes. And the timer starts now,” hayag ng emcee.

Dagliang tumayo ang lahat ng estudyante sa auditorium at gaya nga ng sinabi ng emcee, kanya-kanya silang recruit ng kamiyembro.

Yayayain ko sana si Eloise pero wala na ito sa tabi ko. Nilingon ko naman si Sheila at nakita kong may sarili na itong grupo kasama si Austin at iba pang 'di ko kilalang estudyante.

Okay fine. Kung sino na lang matira na walang grupo, sila na lang kagrupo ko. Pwede naman yun diba?

Maya-maya pa ay may apat na lalaking lumapit sa'kin. Napatitig lang ako sa apat na 'to.

“Come and join with my group,” sabay-sabay na pag-aaya ng apat sa'kin. Sino ang apat na yun? E, sino pa ba? Edi, yung apat na kolokoy. Ang apat na pinakamasusungit na lalaki sa balat ng lupa. Sina, Denver, Alex, Andy, at Gabriel. Nagtinginan pa nga sa isa't-isa ang apat na kolokoy. Siguro'y nagulat din na sabay-sabay nila akong niyaya sa kani-kanilang grupo.

“Wait, wait, wait. Kayong apat ba may kagrupo na?” tanong ko sa mga 'to. Umiling lang naman sila bilang sagot.

“One, two, three, four, and five.” Itinuro ko ang bawat isa sa amin. Nagtinginan pa ang apat sa ginawa ko. “Lima naman tayo. Edi, kung ganun, tayong lima na lang ang magkakagrupo!” panukala ko.

“What?! No way!” Muli ay sabay-sabay nilang tugon sa sinabi ko. Teka! Totoo bang sina Denver at Alex lang ang kambal sa mga apat na 'to? Bakit kanina pa sila sabay-sabay magsalita? Pakiramdam ko'y may kausap akong quadruplets.

“The time is up!” reminder ng emcee. “Ano? May grupo na ba ang lahat?” sunod nitong tanong.

“I guess, wala na kayong choice,” mapang-asar kong wika sa apat. Sabay-sabay lang naman nila 'kong inirapan.

Aba! Sila na nga ang nag-aaya, sila pa 'tong maarte. I clicked my tongue as my brows furrowed at them.

“Okay, fine!” sabay-sabay muli nilang turan. Habang tumatagal, mas lalo akong naiirita sa synchronized speaking ng apat na 'to. Parang scripted, eh!

Matapos niyon ay tumabi na ang apat sa'kin. Sa kaliwa ko ay sina Andy at Alex, respectively. Sa kanan naman ay sina Denver at Gabriel. Oo, katabi ko ang kambal. May angal kayo?

“Okay! Ngayon na may mga grupo na kayo. It's time to talk about how will the game will flow. May mga cards na itinago sa iba't-ibang parte ng campus. These cards consist of letters na kailangan niyong maipon upang mabuo ang missing word. That missing word will be the clue upang matagpuan niyo kung saan nakatago ang secret treasure of Mnemosyne. Hindi lang 'yon. Every card na mahahanap niyo ay naglalaman din ng panibagong riddle upang mahanap niyo ang susunod pang mga cards. Kung ilan lahat ng cards na hahanapin, hindi ko 'yon sasagutin. It's up to you kung ipipilit niyo pang maghanap ng extra cards kahit wala naman na talaga. Understood?”

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon