Chapter 26: Save by a Lady and a Man

8 2 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Saved by a Lady and a Man

JAMMY

“Wag!” sigaw ko nang pwersahan ako nitong halikan sa labi. Hindi ko mapigilang umiyak. Nanginginig at nandidiri ako sa lalaking 'to. Wala siyang kasing sama. Ipinikit ko ang aking mga mata upang hindi na makita ang itsura ng maduming lalaking 'to! Ang demonyong 'to!

Gusto ko mang magpumiglas ngunit limitado ang aking galaw dahil sa pagkakatali sa kamay at paa ko. Damn it! I don't want to die on this way. Mas gusto ko pang malunod sa Coron cave kaysa pagsamantalahan ng ganto ni Thyke.

Stop it please!

Natigil ang marahas na paghalik niya sa'kin nang marinig ang bigla nitong pagbagsak sa harapan ko.

Muli kong iminulat ang aking mga mata and there I saw Thyke na nakabukagta sa harapn ko at nakatihaya. He was excruciating in pain base sa haluyhoy nito at stiffened muscles niya sa halos buong katawan. May needle na nakabaon sa leeg nito. Gulat at nagtataka man ako sa nangyari, pero sana naman, wag na muna siyang maka-recover upang ipagpatuloy ang pagsasamantala nito sa'kin. Ayoko nang may gawin pa siya sa'kin. Nanginginig ang kabuoan ko sa ginawa niya.

May mga yabag na lumapit sa'kin kaya't ibinaling ko ang atensiyon ko roon. Isa itong babae na naka-itim. May takip ang mukha at may hawak na sumpit. Lumapit ito sa'kin at kinalagan ang pagkakatali sa kamay at paa ko. Habang ginagawa ito ay nanatiling titig ang mata ko sa kaniya. Hindi ko man makilala kung sino ito dahil sa takip sa kaniyang mukha, nagpapasalamat pa rin ako dahil pinigilan niyang mangyari ang binabalak sa'kin ni Thyke.

“S-sino k-ka?” tanong ko rito.

Hindi ako nito pinansin, bagkus ay patuloy lang ito sa pinagkakaabalahan niya.

Matapos akong kalagan ay binuksan nito ang takip ng air vent malapit sa kinaroroonan namin. Lumingon ito sa'kin at inilahad ang kamay. Nangungusap ang kaniyang mga mata habang hinihintay na abutin ang kaniyang kamay.

“Kung gusto mo pang mabuhay, halika na.” Ang boses nito'y 'di normal. Tila may ginagamit itong voice changer upang hindi ko makilala ang tunay nitong boses.

Ilang segundo rin akong natulala sa kinatatayuan ko bago abutin ang kamay nito. Gamit ang upuan kung saan ako itinali kanina, pumatong kami roon at tinulungan ako ng babae na makaakyat sa air vent. Inilahad ko rin ang kamay ko sa kanya upang sana'y tulungan rin siyang makatakas ngunit bumaba na ito mula sa upuan.

“P-papano 'ka?” takha kong tanong rito. Hindi ito sumagot, bagkus ay umalis na sa kabilang direksiyon. Ako nama'y nagsimula nang gumapang sa loob ng air vent at sinimulang hanapin ang lagusan palabas. May ilang kwarto akong nadaanan at nakita ang ilang mga lalaki sa baba. Hindi sila mukhang mga estudyante sa Mnemosyne. Kung ganun, nasan ako ngayon? Nasa labas ba 'ko ng campus?

“Patay na si Thyke. Wala na rin doon ang bihag. Lagot tayo kay Jewel nito. Madali, hanapin ang bihag!” utos ng lalaki na may bitbit pang artificial na bungo ng tao.

Kung ganun, hindi si Thyke si Jewel? Nagpulasan ang mga lalaki sa ibaba at madaling nilisan ang kwarto. Naku! Pinaghahanap na 'ko, kailangan ko nang makatakas! Nagpatuloy na 'ko sa paggapang palabas.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon