TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
The Ace Player
JAMMY
“Sina Inspector Tan yun, ah,” puna ni Austin nang makadaan ang dalawang police mobile. Patungo ito sa Hades' building.
“Oo nga, ano. Ano kayang nangyari?” tugon ko.
Maya-maya pa'y sunod na dumating ang isang ambulansiya.
“Hindi kaya—”
“Hindi kaya—”
Magpanabay naming turan.
Kumaripas kami ng takbo patungo sa Hades' building. Total ay malapit lang naman iyon sa kinatatayuan namin.
Sa second floor ng building sa pinakadulo ng hallway, nakita namin na maraming pulis ang nakabantay.
Nahagip ng aming paningin ang mababa at matabang pulis na may pamilyar na signature mustache kausap ang ilang pulis na kasama nito. “What happened here Inspector?” pagkuha ni Austin sa attention ni Inspector Tan.
Lumingon ito't itinuro ang katawan ng lalaki na nasa may veranda. “Mukhang aksidenteng nabagsakan ng figurine sa ulo ang biktima,” saad nito.
Lumipat ang tingin namin sa gawing iyon ni Austin. May lalaki roon na nakadapa at walang malay, at duguan ang ulo nito. Tila pamilyar ang pigura ng lalaki sa kaniyang hubog ng katawan. Bagaman may mga medical personnel na tumitingin sa kalagayan nito at nagsasagawa ng paunang lunas, nagawa ko paring makilala ang itsura ng nakadapang lalaki mula sa kinatatayuan ko.
Teka! S-siya ang ace player ng team Thunder. Ang baseball team na magrerepresenta sa Mnemosyne para maglaro laban sa iba pang unibersidad ng distrito.
Tumikhim muna si Inspector sa'min bago patuloy na nagsalita. “Natagpuan ang biktima na nakahandusay bandang 6:15 ngayong gabi. Napansin nilang mag-iisang oras na ngunit 'di parin bumabalik ang biktima sa living room kaya't sumunod ang kasintahan nito sa veranda kung saan niya natagpuang walang malay ang lalaki,” dagdag nito.
Ang glass wall na naghahati sa veranda at sala ay tinakpan ng tela na may plain blue color. At may mga nakadikit na salitang ‘Happy Birthday Ivan Navarro,’ dahil doon, hindi na matanaw kung ano ang meron sa veranda.
Mausok ang paligid. May mga bote ng alak, mga baso at pinggan ng pagkain na tila binagyo. This is undoubtedly a party with alcoholic drinks. I wonder pano nila nagawang magpuslit papasok ng mga alcoholic drinks sa loob ng campus kahit na napakaistrikto ang campus sa mga tulad nitong gawain.
May mga vape din sa table. Malamang ay doon galing ang makakapal na usok. May mga dancing lights din na pansamantalang pinatay, bagkus ay ang ilaw ng room unit ang binuksan upang mas malinaw na makita ang nasa paligid. Sabagay, nakakahilo nga naman mag-inspect sa crime scene kung ang ilaw ay kumukuti-kutitap tapos iba-iba pa ang kulay.
Ayon sa report, nag-iinuman sila nang makatanggap ng mensahe ang biktima. Matapos niyon ay nagpaalam itong magtutungo sa veranda. Samantala, ang mga kainuman ng biktima ay naiwan sa sala maliban kay Arnold na nanatili sa kusina upang magluto ng pagkain.
Nilapitan namin ang katawan na nakahandusay. Mas malinaw kong nakita ang malaking sugat sa ulo nito. Malapit sa kamay nito ang isang smartphone.
Sa uluhan nito nakatayo ang nasa dalawa't kalahating metrong display cabinet. Sa ibabaw niyon ay may mga pigurin na nakatumba. Pawang gawa ang mga ito sa ceramic, ang ilan naman ay metal. Ang ilan pa nga ay nagkalat sa sahig at basag na. Ang isa naman na may pigura ng buddha ay may bloodstain pa sa paanan nito na nagsisilbing stand ng pigurin. Gawa ito sa bakal kaya't hindi ito nabasag o nasira.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...