Chapter 31: Someone From The Owl Group

10 0 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Someone From The Owl Group

JEWEL

I heard the news from Jack that Zero's sibling was assassinated. Whoever done it, nagpapasalamat ako nang marami sa kanya.

Paniguradong galit na galit ngayon si Zero. Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang kapatid niya, 'di magtatagal ay siya na ang susunod.

“Jewel, wala pa rin po kaming ideya kung sino ang nagpatakas sa bihag. Pero may kuha po ng CCTV camera na tinulungang makatakas ni Zero ang bihag,” saad ni Jack. Siya ang inutusan kong mag-imbestiga kung sino ang traydor sa grupo.

“Zero?!” singhal ko sa narinig. “Sinusubukan talaga 'ko ng Zero na yan. Humanda siya sa'kin!”

Nagtungo ako sa Queen upang ipaalam sa kanya ang pagtatraydor na ginawa ni Zero.

“Do you mean, a traitor? My only Zero is a traitor?” saad nito matapos kong sabihin ang mga nangyari.

“Yes, Mrs. Queen,” sagot ko at bahagyang yumuko upang 'di makita ang mapanloko nitong mga mata. Ayokong mabasa nito ang iniisip ko. Mahirap hulaan kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak sa mga oras na 'to. Pero, sana'y pakinggan niya ang mga sinasabi ko at huwag nitong kampihan si Zero tulad ng palagi niyang ginagawa.

“You can not manage to execute well your plans at ngayon ay si Zero ang sinisisi mo? That's ridiculous, isn't it?” natatawa nitong sabi.

Gaya man ng dati na kinakampihan ng Queen si Zero ay 'di ko pa rin maiwasang magulat.

Bakit?! Bakit siya na lang palagi? Ginawa ko ang lahat upang mapabagsak siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mabitaw-bitawan ng Queen.

Itinago ko sa'king mukha ang pagkabigla at umayos ng tayo sa kanyang harapan. “I'm very sorry Mrs. Queen, hindi na mauulit.”

“You need to understand, Jewel, that if you planned something, it must be done the way how you planned it. You shouldn't blame anyone dahil sa kapalpakan mo. You should never forget kung ano ang nangyari kay Hyena,” seryoso nitong sabi. Walang emosyon ang lulan sa mukha nito subalit ganun na lamang ang takot ko sa tuwing titingin ako rito.

Darating din ang araw ko. Mapapabagsak ko rin si Zero. Pangako 'yan.

°°°°°°°

JAMMY

It's already nine in the evening nang naisipan naming bumalik na sa dorm. It's been a while nang maka-bond ko ulit si Sheila.

“Are you okay now, Sheila?” tanong ko rito and she responded me a nod. Akmang bubuksan na ni Sheila ang pinto nang mapansin ko ang mga blood stains sa ilalim nun.

Nang mabuksan ni Sheila ang pinto, tumambad sa'min ang nagkalat na dugo sa sala. Tila may hinilang duguang katawan patungo sa—

“Sa CR!” sigaw ko nang masundan ko ng tingin ang traces of blood sa sahig.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon