Chapter 24: Jewel's Greeting

9 4 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Jewel's Greeting


JAMMY

Matapos ang nangyari sa Hades' building ay bumalik na kami ni Austin sa dorm. Si Denver? Hindi ko alam kung saan nagpunta. Wala rin naman akong pakealam sa ulupong na yun.

Nabalitaan naming nagkaroon ng blood clotting sa utak ni Ivan dahil sa ginawang pagtatangka ni Arnold sa buhay niya. Ayon kay Inspector Tan, mukhang matatagalan pa bago makabalik ang ace player sa paglalaro.

Why are these people resort their hatred and insecurities to violence?

Walang sumunod na client noong linggo kaya't petiks lang kami ni Denver sa Mystique Club. Nais ko sana siyang tanungin kung ano ang ginawa nila ni Claire kagabi. Only God knows what they did or where did they go last night. Sa kanya pa naman nanggaling ang mga salitang “Do not wander at late at night,” sa school premises. What a total hypocrite.

Ngayong araw ng lunes ay maaga akong pumasok upang hindi mahuli sa klase. Lately kasi I felt like I'm so lazy attending my classes, especially at morning period.

“Oh, Thyke. Maaga ka rin pa lang pumasok. Kamusta ang weekend?” bati ko rito bago umupo sa designated seat ko.

Ngumiti ito nang pilit sa akin. Bakas sa mata nito na naiilang ito sa akin. “Ayos lang naman. Same routine pag weekends. Magsisimba, pagkatapos ay maglalaro ng online game sa personal computer ko sa kwarto,” sagot nito. Inayos muna nito ang kanyang salamin sa mata bago muling ibalik ang attention sa notes nito.

May problema ba?

Ngumiti ako sa kanya bilang ganti. Ilang minuto rin nang dumami na ang bilang ng estudyante sa classroom namin. Kasunod niyon ay ang pagdating ni ma'am Lohiko para sa entrepreneurship subject namin.

Pagsapit naman ng lunch time, same routine, ay nagtungo kami nina Eloise at Sheila sa cafeteria. Matapos kumain ay papunta sana kami ng Mystique Club nang mapansin ni Sheila si Thyke na kalalabas lang sa building Zeus.

“Diba't wala nang tumutuloy sa building Zeus dahil sa madalas na disappearances ng mga estudyante roon?” tanong sa'min ni Sheila.

Tumango kami sa kanya bilang tugon.

Isang mapag-usisang mukha ang ipinaskil ng isa pa naming kasama. “Eh, ano naman ang ginagawa niya roon?” sunod na tanong ni Eloise.

Nagkibit-balikat lang kami ni Sheila bilang sagot.

Hindi nagtagal ay dumating ang isang pamilyar na babae sa aming gawi. Malawak na ngiti ang bumati sa'min ng ito'y aming tignan. “Oh, Jammy. Saan kayo pupunta?” tanong ni Hermione samin. Mukhang maayos na ang kalagayan nito.

“Sa Mystique Club,” sagot ko naman. Panay ang tingin nito sa isang direksyon kaya't nagtaka ako. “May hinahanap ka ba, Hermione?”

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon