Chapter 17: Sound of Help

13 7 2
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Sound of Help

JAMMY

“What's wrong with him?” usisa ko rito.

Nagpatuloy lang itong maglakad hanggang sa makarating kami sa library upang doon ay mag-usap.

“Inspector Tan reported that Bartolome and his colleagues were all assassinated habang dinadala sila papuntang Quezon City for their jail transfer,” panimula nito saka may kung ano itong brinowse sa laptop bago ito ipakita sa'kin. “Hinarang sila ng tatlong naka-kotse, and they were all gunned down. No one survived, and all corpses were burned,” aniya.

Natigil ako't di agad nakapagsalita dahil sa narinig.

“That Bartolome, 'di lang sila ang nasa likod ng illegal exploration sa isla ng Coron. There must be higher than them which whom they receive orders. Dahil pumalpak sila, they're no longer needed, kaya't pina-assassinate na sila,” patuloy nito. “Kung ano man ang hinahanap nila sa Coron, paniguaradong hindi yun ginto o baril dahil iniwan lang nila yun sa kweba at hinayaang maging kalat doon. There's something more than that na 'di pa nila nahahanap hanggang sa ngayon.”

“So, anong balak ng mga police about this? How about inspector Tan?” I asked.

Lumiyad muna ito sa pagkakaupo bago ito sumagot. “Patuloy silang nag-iimbestiga sa kung sino-sino ang nasa likod ng pag-assassinate kila Bartolome. Pero sa ngayon, I guess magiging maingat sila sa activities nila in regards of the hidden treasure of Coron. Dahil dun, mas mahihirapan ang mga police na malaman kung sino ang nasa likod ng illegal activities,” ngayon naman ay ipinatong na nito ang paa sa table.

Naging masama ang pagtitig ko rito. Argh! Bakit nakakairita siyang tignan? Bago pa 'ko may masabing kung ano kay Denver ay muli itong nagsalita. “I asked Austin's parents to do the forensic work. Kailangan nating makakuha ng clue kung sino ang mga assassinator. Malaki ang posibilidad na tumatanggap sila at sina Bartolome ng utos mula sa iisang tao.”

“Utusan mo rin sana yang paa mo na ibaba sa mesa,” seryoso kong turan. Hindi ako inimik ni Denver bagkus ay ipinikit lamang nito ang mga mata.

Para na 'kong sasabog sa galit. I really don't like the feeling of being ignored.

“Sumama ka mamaya sa ghost hunting. Sa tingin ko makakakuha tayo ng lead about sa disappearances ng mga estudyante roon,” sambit nito saka ibinaba na sa wakas ang paa. Kinuha na nito ang laptop niya sa mesa at umalis na ng library. Ako naman ay naghanap naman ng babasahin upang palipasin ang oras. Kumain na rin naman ako kanina, at hindi pa 'ko gutom. Mas mabuting dito na muna 'ko mag-stay bago bumalik sa klase.

Ngunit naisip ko lang. Bakit ako isinasama ni Denver sa pag-iimbestiga niya patungkol kay Bartolome Mahinay at itong Zeus disappearances?

Napalingon ako sa dinaanan ni Denver palabas.

Do Denver see me as his mystery companion? Argh! Why am I thinking that way in the first place? Pwede namang he loves to brag his updates upon his investigation — that he is a good detective wannabe.

Tulad ng pinangako ko kay Eloise, sumama ako sa ghost hunting activity ng paranormal club.

“Alam mo bang sobrang creepy ng boses ng nagsasalita kagabi na narinig namin?” Hindi ko na lamang pinapansin ang mga pinagsasabi ni Eloise.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon