TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Hantuok
JAMMY
Nakarating kami ng Coron at exactly five-thirty na ng hapon. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa mansion kuno na tutuluyan namin for three-day long, nahagip ng aking paningin at natuwa sa ganda ng sunset mula sa baybayin. Sobrang relaxing nitong tignan. Wow! Just wow!
Mas lalo pa akong humanga nang matanaw ng mga mata ko ang tinutukoy ng driver samin na mansion. Napaka-engrande nitong tignan. I bet all of my properties, ang may-ari nito ang pinakamayaman sa buong Coron, at marahil ay isang tanyag na tao o kabilang sa mga kinauukulan.
The mansion was huge on its three storey level, at sa estimation ko, ga-baranggay ang lawak nito. Though masyado na ata akong exaggerated sa naisip.
Ang disenyo ng mansiyon ay maihahalintulad sa malalaking bahay sa Japan. Ang bubong nito na yari sa mga paso na tulad sa kaliskis ng dragon ang anyo at hinelera na tila isang bangka. Ang katawan nito na pawang pula at luntian ang mga kulay ang pumuno sa itsura nitong mala-Japanese empire ang inspirasiyon.
Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng lubos na pagkasabik sa aking mga susunod pang araw na paglalagi sa mansiyon. Marahil ay di mabilang na dami ng gamit na mula pa sa panahon ng pananakop ng mga hapon sa Pilipinas ang aking maaaring madiskubre sa loob ng mansiyon. Na lalo pang nagpagalak sa aking isip.
“Goodevening, students of Mnemosyne. Nasabi ni Ma—” hindi natapos ng matandang lalaki ang sasabihin nito nang binulungan ito ng kasama niya. Kamukhang-kamukha nito ang lalaking nasa litrato na iniabot sa amin kahapon ni Jade. Siya raw ang sasalubong sa amin — isang malapit na personalidad sa puso ni Jade.
“Ah, yeah, yeah,” tugon nito sa ibinulong ng kasama niya.
Ang kasama niya ay isang lalaki na sa tingin ko'y nasa edad tatlumpu o higit pa, at may malalaki't mabilog na pangangatawan. Mukha siyang bouncer sa totoo lang, pero mas mukha siyang security guard dahil sa gupit nitong pang-army.
Itinuon muli ng matandang lalaki ang atensiyon sa'min at muling nagsalita. “I mean, nabanggit sa'kin ni ma'am Jade ang tungkol sa pagtuloy ninyo sa mansiyon ko sa loob ng tatlong araw. Inihanda na namin ang tutulugan niyo,” masigla nitong turan sa amin. “May mga kasama ako sa mansiyon na temporarily ay pinatuloy ko muna sa resthouse ko, malapit lang din naman iyon dito. Kaya't huwag kayong magtataka kung may ibang papasok sa mansiyon. Ngunit wag kayong mag-alala, hinding-hindi sila aapak sa mga kwarto niyo. Nasabi ko na rin iyon sa kanila. Enjoy your stay, everyone. By the way, I'm Rommel Maharlika.”
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...