TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
The Deal
ANONYMOUS
Huminga ako nang malalim at dinama ang simoy ng hangin na humahampas sa'king balat. Mula sa pagpikit ng mata ay dumilat ako at inilipat ang tingin sa'king target.
Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa'king tudlaan. Kasabay ng nakapakong pagsipat ay itinaas ko ang aking hawak at inasinta ito nang mabuti. Nang ibinato ko sa todong pwersa ang hawak ko patungo sa aking inaasinta, ay nasapul ito at tumilapon pa sa ere sa loob ng ilang segundo bago bumagsak sa lupa bunsod ng malakas na impact.
“Mabuti at sunod-sunod ko nang napeperpekto ito. Sandali na lamang ay mawawala na rin sa landas ko ang lalaking yun. Kaunting oras na lamang,” saad ko sa sarili nang mapagtagumpayan ko ang trick sa'king pinaplano.
Nakatanggap ako ng mensahe kay Ivan. Kailangan ko nang magtungo sa room unit nila upang ipagdiwang ang kaarawan nito, maging ng pagkapanalo ng kanilang koponan sa larong baseball.
Ngumiti ako sa naisip. Mapagtatagumpayan ko ito. Naniniwala akong magagawa ko ito nang perpekto.
°°°°°°°
JAMMY
Kasama si Austin, sinamahan ako nitong mamili ng mga lulutuing karne at mga pampalasa sa Mnemosyne Market upang ipaghanda ng makakain ang mga ka-roommate namin. Binabalak naming magluto ng adobong manok.
Katatapos lang namin manood ng laban sa pagitan ng Cheetah at Thunder, parehong team ng baseball. Ang tatanghaling kampiyon ang siyang nakatakdang lumaban laban sa iba pang representative sa larangan ng baseball mula sa kalapit na akademya—bitbit ang pangalan at karangalan ng Mnemosyne Academy.
Naging mahigpit ang laban na iyon kanina. Naging dikit ang iskor ng dalawang koponan. Gayunpaman, sa huli ay itinanghal paring kampiyon ang Thunder. Naging malinis naman ang laban na iyon kaya't sa tingin ko'y walang magpoprotesta para sa naging resulta ng nasabing laban.
“Oh, heto na ang order niyo mga boss,” masayang inihanda ni Austin ang niluto namin sa hapag.
Masiglang ngiti ang pumaskil sa mukha ni Sheila habang kumikinang ang mga mata nito sa pagkaing inilalapag ni Austin sa mesa. “Wow! Namiss ko tong luto mo, Austin,” puri niya sa huli.
“Awiee, sino kayang kinikilig ngayon dito?” Nagsimula na naman si Eloise sa panunukso. Naku, kahit kailan talaga.
Napangiti na lamang ako sapagkat nadarama kong masaya nga talang kasama ang mga ka-roommate ko. Sa maliliit na bagay lang ay madali mo nang maipipinta ang ngiti sa kanilang labi. Swerte ko naman at sila ang naging mga kasama ko rito sa Mnemosyne Academy.
Naging matalim ang titig ni Sheila sa kaibigan. The awkward moment began nang ni isa sa'min ay walang umimik. Nakakatawa dahil parang may malalim na alitan sa pagitan ng dalawa dahil sa nangyari. Siguro ay pina-prank lang ni Shiela ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...