TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Finding Zora
JAMMY
Hindi na naituloy ni Claire ang sasabihin nito nang magsalita si Denver. “Kaso nakawala siya sa hawla niya at lumipad palabas ng veranda?” seryosong saad nito kay Claire. Naging malagkit ang mga titig nito kay Claire na tila ba kinakausap niya ang magandang babae telepathically.
Matapos niyon ay umiling si Denver na tila hindi ito sang-ayon sa sarili nitong mga naunang tinuran. “No, let me correct it. Hinayaan mong nakabukas ang hawla upang makawala si Zora at malayang makaalis ng veranda. Does it sounds right?” patuloy nito saka ngumiti na tulad ng taong may masamang binabalak.
Nanatiling nakapako ang tingin ni Denver kay Claire. Samantalang si Claire naman ay tila 'di natinag at nanatiling walang emosyon ang mukha nito.
Bago sumagot ay bumitaw muna si Claire sa staring contest nila ni Denver at gumuhit ang ngisi sa kaniyang mapulang labi. “I knew you will immediately figure out once na makita mo ang cage ni Zora,” naging bluffing ang tunog ni Claire sa pagkakataong ito. Napakunot muli ang aking noo dahil sa kakaibang pagkilos at pagsagot ni Claire sa mga tanong ni Denver.
Teka! Ano bang nangyayari?
Namamaligno ba ako o tama ang aking narinig. Zora was in a cage? Ano bang kalokohan ito?
Napadako ang tingin ko sa veranda. Dahil sa gawa sa glass ang dingding na naghahati sa veranda at sala, kitang-kita ko kung ano ang naroon sa veranda kahit na narito ka pa sa loob. Tanaw ko ang nakasabit na maliit na hawla sa kisame ng veranda. Bukas nga ito at walang laman.
Kung gayon, tama nga ang hinuha ni Denver. Isang ibon si Zora at hindi tao. Ngunit bakit itinago sa'min ni Claire ang katotohanang ito? Balak ba niyang magpapansin? Ganoon na ba kasikat ang Mystique Club for her to pull a prank?
“And I'm sure you planned it to lure us here. Anong kailangan mo?” Tulad kanina'y seryoso parin ang pagsasambit ni Denver sa mga sinasabi nito.
Mula sa nakangising mukha ni Claire ay napalitan ito ng mapag-alala. “No!” todo pagtatanggi nito. “Kailangan ko talagang mahanap ang Eurasian tree sparrow ko.” Hindi ko alam kung alin ba talaga ang totoong ekspresiyon ni Claire. Para siyang may multi- personality disorder dahil sa pagpapalit-palit niya ng eksperesiyon at emosyon.
Umupo muna ito sa tabi ko bago muling magsalita. “Naiwan ko kasing bukas yung gate ng cage ni Zora ko. Before it I realize, nakawala na si Zora. I'm sorry if you think it's just a prank or play gags, but to be honest, kailangan ko talaga ng tulong niyo upang mahanap siya. Alam ko naman kasing 'di niyo pagsasayangan ng oras 'to kung noong una pa lang sinabi ko nang isang ibon lang ang pinapahanap ko,” naiiyak pa nitong sabi.
Iniabot niya samin ang isang litrato ng isang babae, nanay niya ata yun, kasama ang ibon na tinutukoy niya. May singsing ito sa paa na may nakasabit pang letrang ‘Z.’
“At sa tingin mo ba mate-trace namin kung saang lupalop lumipad yang maya mo?” malditong saad ni Denver. Nagsasalubong na ang mga kilay nito, nanlilisik ang mga mata, at pawang nakakunot ang noo habang pirmeng nakapako ang tingin kay Claire.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...