Chapter 5: Deduction Show

24 10 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Deduction Show

JAMMY

Tumingin ako nang may bahid na seryosong mukha sa dalawa kong kasama.

“Dahil galing siya ng restroom pero hindi man lang nabasa ang hooded jacket niya. Pangalawa, galing siya sa loob pero may suot-suot siyang surgical gloves at face mask. Pangatlo, being covered with thick cloth is odd for a strikingly hot weather.” tugon ko. Nagtinginan muli ang dalawa matapos marinig ang mga sinabi ko.

“Hindi kaya may sakit lang ang lalaking yun at ayaw niya lang makahawa?” tugon ni Eloise.

“Maaari,” mabilis kong sagot. “Hayaan niyo na nga! Nagugutom na 'ko, bumalik na lang tayo sa cafeteria,” pag-aaya ko sa kanila.

Lumabas na kami at nagtungo roon. Bubuksan ko na sana ang glass door ng cafeteria nang may nagmamadaling lumabas sa cafeteria at binunggo ako.

Argh! For the third time of my hoodoo's sake!

Natumba ako dahil sa bilis at lakas ng impact ng pagkakabunggo niya sa'kin. Samantala, ang lalaki ay 'di man lamang ako nagawang pansinin na tila walang nabunggo at patuloy lang ito sa pagtakbo palayo.

“Teka! Jammy! Hindi ba't siya yung—”

“Oo! Siya nga yung lalaking nasa restroom kanina!” di ko na tinapos ang sasabihin ni Eloise at kinumpleto ang kaniyang hinuha.

“AAAAAHHHHHHHH!”

Nagmadali akong tumayo at pumasok sa cafeteria matapos marinig ang malakas na hiyaw mula sa loob.

“Jammy! Si Martin!” utal na sambit ni Sheila. Banaag sa boses nito ang labis na pagkagitla.

Samantala, nangangatog ang cafeteria staff at tila nanigas sa kinatatayuan nito. Marahil sa labis rin na pagkabigla. “S-sinaksak siya ng lalaki kanina.”

Muli kong ibinaling ang tingin sa katawan ni Martin. Nakahandusay ito sa sahig, dilat ang kanyang mga mata habang nakasapo ang mga kamay nito sa tinamong sugat mula sa dibdib. Patuloy ang pag-agos ng sugat na nagsisimula na ring kumalat sa sahig.

“Tumawag kayo ng medic, kailangan niya ng tulong!” sigaw ko saka nilapitan si Martin. Pupulsuhan ko sana siya nang may maunang lumapit dito at pinulsuhan ang biktima.

“Negative pulse. He's dead.” ani ni Denver.

At saang pook naman galing itong si Denver? Tila isa siyang kabute na sulpot nang sulpot mula sa kung saan.

Dinig ang hiyawan at bulung-bulungan sa paligid dahil sa sinabi ni Denver.

“Another murder mystery.” Buntong hininga nitong pinagmasdan ang walang buhay na lalaki. May bahid pa ng pagkadismaya at panghihinayang ang kaniyang mukha.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon