TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
Austin's Damsel
JAMMY
Sa dorm,
“Bakit ngayon ka lang?” bungad tanong sa'kin ni Denver. Magkasalubong na naman ang mga kilay nito. Nakakunot ang noo at nanlilisik ang mga mata sa'kin.
Ano na namang problema nitong asungot na 'to?
“Wala. Naligaw lang ata ako,” mapang-asar kong turan.
“Anong naligaw? Pinagloloko mo ba 'ko? Dinukot ka raw sabi ni Gabriel. Sinong dumukot sayo?” highblood nitong tugon.
Ba't ba red tide na naman ang lalaking 'to? Hindi na kailanman naging tahimik ang buhay ko simula nang makilala ko siya. My life has been so chaotic and fermented.
“Teka, ba't 'di ka pumasok sa klase?” pamababalewala ko sa sinabi niya.
Pirme namang matalim ang titig sa'kin ni Denver.
“Pano nga pala nalaman ni Gabriel ang tungkol sa nangyari sa'kin?” tanong kong muli ngunit 'di pa rin ito sumasagot.
“Si Thyke! Si Thyke, okay?! Gusto niya kong pagsamantalahan kaya ginamit niya ang pangalang Denver upang makipagkita ako sa kanya, ako naman na uto-uto — nahulog ako sa patibong niya. Nagpanggap siyang ikaw! Ano? Masaya ka na?” iritable kong turan.
Pasensiya ka na Denver. Hindi pa napapanahon upang malaman mo ang tungkol sa mga nangyari sa'kin doon. Kailangan ko munang subukan kung kaya kong baguhin ang isip ni Zero.
Tila nakapako na ang tingin sa'kin ni Denver at di na niya inalis ang mga titig nito sa'kin. “Si Thyke? Nasaan na si Thyke?” tanong nitong muli.
“Wala! Umalis! Ayaw ata sa'kin,” pamimilosopo ko.
Tumaas ang kilay nito sa narinig. “W-what?” pasigaw nitong tanong. Gulat na gulat ata ito sa narinig.
Hay naku, Jammy. Bat ganyan ka? Kahapon lang ay takot na takot ka sa demonyong yun.
“Patay na siya,” diretsahan kong sagot.
“What?” muli ay pasigaw itong nagtanong.
Bat ba what nang what 'tong kumag na to? Naiirita ako lalo sa ulupong na 'to? Hay ewan!
“Patay na nga siya. May nagligtas sa'kin. Hindi ko nakilala kasi may takip na tela sa mukha niya. Mata lang niya ang kita. Tinulungan niya 'kong makatakas pero di siya sumama sa'kin. Matapos nun, umuwi ako sa'min para magsumbong kay yaya. Yun ang nangyari. Ano? May tanong ka pa?” iritable ko pa ring pagpapaliwanag.
BINABASA MO ANG
Mystique Club: Operatives
Mystery / ThrillerAn English university student, Jammy Akira Fernsby, had to move to the Philippines to forget the painful incident she was involved in. Far from what she could imagine, more horror and fear await her at a new prestigious school: Mnemosyne Academy. Al...