Chapter 36: Mrs. A-3 and Mr. Kristo

9 0 0
                                    

TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

Mrs. A-3 and Mr. Kristo

JAMMY

Bumalik na kami sa klase matapos niyon. Time na for Philosophy subject but our subject teacher na dapat ay narito na ten minutes ago ay wala pa rin hanggang ngayon.

Ano nang nangyayari sa Mnemosyne? Maging ang dapat ay model of being ‘not late in class’ ay madalas nang ma-late sa pagdating. Wow! Just wow!

Wala akong seatmate ngayon dahil patay na si Thyke, wala rin si Eloise sa seat niya sapagkat wala na rin siya — she was brutally killed by somebody. This eerie feeling na bumabalot sa Mnemosyne ay 'di maalis-alis sa 'king isipan, kasama na rito ang lahat ng misteryo sa likod ng mga disappearances sa building Zeus.

Tila para akong nasa real life Final Destination Movie kung saan isa-isang namamatay ang bawat isa sa'min that even if we tried to stop this nonsense killing, it will just perished us, absolutely. It was like a prophecy that can't stop, directed, or twisted, — it is destined to happen.

Those people having those names: Albert Pino, Mike Evans, Stephanie Shin, Carla Baldonado and Mathilda Quizon. Where are they? Aside from Mathilda, buhay pa rin kaya sila hanggang ngayon? Anong nangyari sa kanila? And who's behind of their disappearances? At bakit wala pa ring ginagawa ang Mnemosyne administration about this matter? Si, Jade, alam ba niya ang mga kaganapang 'to?

“Bakit wala pa si sir Bolivia?” wika ko sa sarili bago umayos muli ng upo.

Ilang saglit lang ay pumasok si sir Mendoza, adviser namin.

“Good afternoon, class,” wika nito saka lumingon sa gawing kanan. May mga kasama siya mula sa may pinto. “Wala muna sa ngayon si Mr. Bolivia for some reasons. Habang wala siya, si Mrs. Amanda Amelita Aragon muna ang magiging professor niyo in philosophy,” saad nito bago pumasok ang isang babaeng may katamtamang tangkad, may eyeglasses na suot-suot, nakalugay ang buhok, at may balingkinitang katawan. Madali lang mapapansin ang pagka-sexy nito dahil fit ang kanyang suot na uniform bukod sa slacks.

“Good afternoon, class,” masigla nitong sabi. Suot ang malawak na ngiti ay inilibot niya ang tingin sa bawat isa sa'min.

“Good afternoon, Mrs. Amanda Amelita Aragon,” sabay-sabay naming bati sa binibini. Alam niyo yun? Yung tunog ng mga tamad na tamad bumati na estudyante. Na para bang patapos na ang araw at masyado na kaming tired upang bumati ng guro.

“Wag niyo na 'kong tawagin gamit ang buo kong pangalan, masyado kasing mahaba. Just call me Mrs. A-three,” saad nito na may pag-wave pa ng mga kamay at pag-iling ng ulo. Kung gayon pala ay isa nang ginang si Mrs. A-three? Sa itsura niya kasi tila wala pa itong asawa.

“A-three? Do you mean, A-3 as in A-3 size of paper, ma'am?” tanong ng isa naming kaklase.

T-teka! Bakit parang nakita ko na siya somewhere? Kilala ko ba siya?

“Yes, just like that,” nakangiti nitong tugon.

“Sanay maging maganda ang pakikitungo niyo kay Mrs. Aragon, class. Isa pa, may bago kayong kaklase, si Mr. Benjamin Kristo,” saad nito na inilahad pa ang kamay sa gawing kanan. Inaaya nitong pumasok ang isa pang naiwan sa may pinto.

Mystique Club: OperativesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon